17 Lumabas siyang pasan-pasan ang kaniyang krus patungo sa tinatawag na Dako ng Bungo, na ang tawag sa wikang Hebreo ay Golgota,18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna.
John 19
28 Pagkatapos nito, yamang alam ni Jesus na ang lahat ay naganap na upang matupad ang Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako!”29 Doon ay may nakalagay na sisidlang puno ng maasim na alak. Kaya pinuno nila ng maasim na alak ang espongha na ipinulupot sa isang sanga ng hisopo at inilagay nila sa kaniyang bibig.30 Kaya nang natanggap na ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at ipinagtagubilin niya ang kaniyang espiritu.
Mark 15
34 At sa ikasiyam na oras, sumigaw si Jesus na may malakas na tinig na nagsasabi, “Eloi, Eloi, lama sabachthani?” Ang kahulugan nito ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:1
Mark 15
37 At pagkasigaw ni Jesus na may malakas na tinig, nalagutan siya ng hininga.