1 Nang magkagayon, kinuha ni Pilato si Jesus at hinagupit siya.2 Ang mga kawal ay nagsalapid ng putong na mula sa mga tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo at kanilang sinuotan siya ng balabal na kulay ube.3 At sinabi nila, “Magalak ka, Hari ng mga Judio!” At siya ay kanilang pinagsasampal.4 Kaya si Pilato ay muling lumabas at sinabi sa kanila, “Narito, dinadala ko siya sa inyo upang inyong malaman na wala akong nakikita ni isang kasalanan sa kaniya.”
Mark 15
16 Kaya dinala siya ng mga kawal sa loob ng bulwagan na tinatawag na Pretorio at tinawag nilang magtipon ang buong batalyon.17 At siya ay dinamitan nila ng kulay ube at ipinutong nila sa kaniyang ulo ang nakatirintas na putong na tinik.18 At sila ay nagsimulang bumati sa kaniya na sinasabi, “Magalak ka, Hari ng mga Judio!”19 At siya ay kanilang hinampas ng tambo sa ulo at dinuraan siya, at sa kanilang pagluhod, siya ay sinamba nila.20 At pagkatapos nila siyang kutyain, hinubad nila sa kaniya ang kulay ubeng damit at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit. At siya ay kanilang dinala palabas upang ipako sa krus.
Matthew 27
27 Kaya si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio at nagkatipon sa kaniya ang buong batalyon ng mga kawal.28 At nang siya ay kanilang hinubaran, siya ay kanilang sinuotan ng isang balabal na kulay ube.29 At pagkatapos nilang magsalapid ng isang putong na tinik, inilagay nila ito sa kaniyang ulo at isang tambo sa kaniyang kanang kamay. At sila ay lumuhod sa harap ni Jesus at siya ay kinutya na sinasabi, “Pagbati, ang Hari ng mga Judio!”30 At siya ay kanilang dinuraan, at kinuha nila ang tambo at inihampas nila sa kaniyang ulo.31 At pagkatapos nila siyang kutyain, hinubad nila sa kaniya ang balabal at isinuot nila sa kaniya ang kaniyang damit at siya ay inilayo nila upang ipako sa krus.