Jeesuksen voima antaa anteeksi
| Secondary Keywords | Anna anteeksi Jesus kapangyarihan pagtuturo pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 1022 Naganap sa Jerusalem ang Kapistahan ng Pagtatalaga, at noon ay taglamig. 23 Si Jesus ay naglalakad sa templo sa portiko ni Solomon 24 kaya pinalibutan siya ng mga Judio at sinabi nila sa kaniya, “Hanggang kailan mo paghihintayin ang aming kaluluwa? Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin nang tuwiran.” 25 Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo sumampalataya. Ang mga gawa na ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang siyang nagpapatotoo patungkol sa akin. 26 Hindi kayo sumasampalataya sapagkat hindi kayo sa aking mga tupa kagaya ng sinabi ko sa inyo. 27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at hinding-hindi sila mapapahamak magpakailanman. Walang sinumang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay. 29 Ibinigay sila sa akin ng aking Ama na higit na dakila sa lahat. Walang sinuman ang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama. 30 Ako at ang Ama ay isa.” 31 Muli ngang dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya ay batuhin. 32 Si Jesus ay sumagot sa kanila, “Maraming mabubuting gawa ang ipinakita ko sa inyo mula sa aking Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan na binabato ninyo ako?” 33 Ang mga Judio ay sumagot sa kaniya, na sinasabi, “Hindi ka namin binabato dahil sa mabuting gawa kundi dahil sa paglapastangan sapagkat ginagawa mong Diyos ang iyong sarili, ikaw na tao.” 34 Tinugon sila ni Jesus, “Hindi ba nakasulat sa inyong Kautusan, ‘Aking sinabi, Kayo ay mga diyos’? Awi 82:6 35 Kung sila ay tinawag niyang mga diyos, na sa pamamagitan nila ay dumating ang salita ng Diyos, at ang Kasulatan ay hindi masisira, 36 sinasabi ba ninyo sa pinabanal ng Ama at isinugo sa sanlibutan, ‘Ikaw ay naglalapastangan,’ dahil sinabi ko, ‘Ako ay Anak ng Diyos’? 37 Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, huwag kayong sumampalataya sa akin. 38 Ngunit kung ginagawa ko, kahit hindi kayo sumampalataya sa akin, sampalatayanan ninyo ang mga gawa upang malaman ninyo at sumampalataya kayo na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa kaniya.” 39 Dahil dito, muli silang naghanap ng pagkakataon upang dakpin siya, kaya siya ay tumakas mula sa kanilang kamay. 40 Pumunta siyang muli sa ibayo ng Jordan, sa lugar na dating pinagbabawtismuhan ni Juan at siya ay nanatili roon. 41 Marami ang pumunta sa kaniya at sinabi, “Totoong si Juan ay hindi gumawa ng anumang tanda, ngunit ang lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan patungkol sa taong ito ay totoo.” 42 At marami ang sumampalataya sa kaniya roon. Luke 2041 At sinabi niya sa kanila, “Papaano nilang sinasabi na ang Cristo ay anak ni David? 42 At si David mismo ang nagsabi sa aklat ng mga awit, ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa bahaging kanan ko 43 hanggang sa mailagay ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.” ’ Awi 110:1 44 At siya ay tinatawag ni David na ‘Panginoon.’ Kaya paanong si Cristo ay kaniyang anak?” Mark 1228 At nang ang isa sa mga eskriba ay dumating at narinig niya ang kanilang pagtatanong, nabatid niya na sumagot nang mahusay si Jesus sa kanila, siya ay nagtanong kay Jesus, “Alin ang pangunahin sa lahat ng mga utos?” 29 At sumagot si Jesus sa kaniya, “Ang pangunahin sa lahat ng mga utos ay ito, ‘Makinig ka Israel, ang ating Panginoong Diyos ay isang Panginoon. 30 At iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo.’ Deu 6:4-5 Ito ang unang utos. 31 At ang ikalawa ay katulad nito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa tao katulad sa iyong sarili.’ Lev 19:18 Wala nang ibang utos ang hihigit sa mga ito.” 32 At sinabi sa kaniya ng eskriba, “Mahusay, Guro. Ang iyong sinabi ay katotohanan, na isa ang Diyos at ‘wala nang iba maliban sa kaniya.’ Deu 4:35 33 At ang ibigin siya nang buong puso at nang buong pang-unawa at nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at ang ibigin ang kapwa tao katulad sa sarili, ito ay higit sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.” 34 At nang nakita ni Jesus na siya ay sumagot nang may katalinuhan, sinabi niya sa kaniya, “Hindi ka malayo sa paghahari ng Diyos.” Mula noon, wala nang naglakas-loob na magtanong sa kaniya. 35 At habang nagtuturo si Jesus sa templo, siya ay sumagot na nagsasabi, “Paano sinasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David? 36 Sapagkat si David mismo ang nagsabi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa aking bahaging kanan hanggang sa mailagay ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.” ’ Awi 110:1 37 Kaya si David mismo ang tumatawag sa kaniya na ‘Panginoon.’ Ngunit paano siya naging anak niya?” At ang lubhang napakaraming tao ay nakinig sa kaniya na may kagalakan. Matthew 2234 Subalit nang narinig ng mga Fariseo na pinatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, sila ay nagtipun-tipon doon. 35 At ang isa sa kanila na dalubhasa sa kautusan ay nagtanong na sinusubok siya, na sinasabi, 36 “Guro, alin ang dakilang utos sa Kautusan?” 37 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “ ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo.’ Deu 6:5 38 Ito ang una at dakilang utos. 39 At ang pangalawa ay katulad nito, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili.’ Lev 19:18 40 Sa dalawang utos na ito ay nakasalalay ang buong Kautusan at ang mga Propeta.” 41 At tinanong ni Jesus ang mga Fariseo habang sila ay nagkakatipun-tipon, 42 na sinasabi, “Ano ang inyong palagay patungkol kay Cristo? Kanino siyang anak?” Sinabi nila sa kaniya, “Kay David.” 43 Sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, paano siya tinawag ni David sa Espiritu, ‘Panginoon,’ na sinasabi, 44 ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa aking bahaging kanan hanggang sa mailagay ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa”’? Awi 110:1 45 Yamang tinawag nga siya ni David, ‘Panginoon,’ paanong siya ay naging kaniyang anak?” 46 At wala ni isang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala nang sinumang naglakas-loob na tanungin siya simula sa araw na iyon. |