Jeesus saarnaa
| Secondary Keywords | Galilea Jeesus Jeesus labas pahimakas pangangaral Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 1120 Pagkatapos nito, siya ay nagsimulang sumbatan ang mga lungsod kung saan naganap ang pinakamarami sa kaniyang makapangyarihang mga gawa, sapagkat hindi sila nagsisi. 21 “Sa iyong aba, Corazin! Sa iyong aba, Betsaida! Sapagkat kung ang mga makapangyahirang gawa na nangyari sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, sila ay matagal na sanang nagsisi na nasa kasuotang-sako at abo. 22 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo, magiging mas madaling tiisin ang sa Tiro at sa Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo. 23 At ikaw Capernaum, ikaw na itinaas hanggang sa langit, ikaw ay ibababa hanggang sa Hades sapagkat kung ang mga makapangyarihang gawa na nangyari sa iyo ay nangyari sa Sodoma, nananatili sana sila hanggang sa araw na ito. 24 Gayunpaman ay sinasabi ko sa inyo na magiging mas madaling tiisin ang sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.” 25 Sa panahong iyon, si Jesus ay sumagot at sinabi, “O Ama, ipinagbubunyi kita, Panginoon ng langit at ng lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at marurunong, ngunit ipinahayag mo ang mga ito sa mga sanggol. 26 Gayon nga Ama, sapagkat ito nga ay naging kaluguran sa iyong paningin. 27 Ang lahat ay ipinagkaloob sa akin ng aking Ama at walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, ni walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at sa sinumang ibig na pagpahayagan ng Anak. 28 Pumarito kayo sa akin, kayong lahat na nagpapagal at nabibigatang lubha, bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba sa puso, at masusumpungan ninyo ang kapahingahan sa inyong mga kaluluwa 30 sapagkat ang aking pamatok ay madali at ang aking pasanin ay magaan.” |








