23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay higit kaysa sa damit.24 Pagmasdan ninyong mabuti ang mga uwak sapagkat hindi sila naghahasik, ni hindi sila nag-aani, ni wala silang silid o kamalig, ngunit ang Diyos ang nagpapakain sa kanila. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon?25 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?26 Kaya yamang hindi ninyo magawa kahit ang pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababalisa sa iba?27 Unawain ninyong mabuti ang mga liryo kung paano lumalaki na hindi nagpapagal, ni nagsisinulid. Gayunpaman, ako ang nagsasabi sa inyo na kahit si Solomon ay hindi nakapagdamit nang katulad sa isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.28 Kaya yamang dinaramtan ng Diyos ang mga damo na ngayon ay nasa parang at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kaya kayo, kayo na may maliit na pananampalataya?29 “Huwag kayong maghanap kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, ni huwag kayong mag-alala30 sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga bansa sa sanlibutan, ngunit alam ng inyong Ama na kinakailangan ninyo ang mga bagay na ito.31 Sa halip ay hanapin ninyo ang paghahari ng Diyos at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo.