Opetuslapset olivat veneessä ja näkivät Jeesuksen tulevan heitä kohti veden päällä. Pietari hyppäsi veneestä ja käveli kohti Jeesusta. Pietari pelkäsi ja alkoi vajota ja Jeesus tuli ulos ja tarttui häneen.
22 At inutusan kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay sa bangka at mauna sa kaniya sa kabilang ibayo hanggang sa mapauwi niya ang napakaraming tao.23 At nang napaalis na niya ang napakaraming tao, siya ay umahon sa bundok na nag-iisa upang manalangin. At nang sumapit na ang gabi, siya ay mag-isa roon,24 ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat na sinasalpok ng malalakas na alon sapagkat ang hangin ay pasalungat.25 At sa ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat.26 At nang siya ay nakita ng mga alagad na naglalakad sa ibabaw ng dagat, sila ay nabalisa na sinasabi, “Ito ay multo!” At sila ay sumigaw dahil sa takot.27 Ngunit nagsalita kaagad si Jesus sa kanila na sinasabi, “Lakasan ninyo ang inyong loob, ako ito, huwag kayong matakot.”28 Kaya sumagot sa kaniya si Pedro na nagsasabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo ako na pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.”29 At sinabi niya, “Halika.” At si Pedro ay bumaba mula sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus.30 Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin siya ay natakot at nagsimula nang lumubog, kaya siya ay sumigaw na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo ako.”31 Kaya kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya at sinabi sa kaniya, “Ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”32 At nang sila ay nakasakay na sa bangka, humupa ang hangin.33 Kaya sila na nasa bangka ay lumapit at sumamba kay Jesus na sinasabi, “Totoong ikaw ang Anak ng Diyos.”