38 Kaya si Jesus, na muling namighati ang kalooban, ay pumunta sa libingan. Ito ay yungib at natatakpan ng bato.39 Sinabi ni Jesus, “Alisin ninyo ang bato.” Si Marta, na kapatid ng namatay, ay nagsabi sa kaniya, “Panginoon, sa ngayon ay nangangamoy na siya sapagkat apat na araw na siyang patay.”40 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”41 Inalis nga nila ang bato sa pinaglagyan ng patay. Itiningala ni Jesus ang kaniyang mga paningin at sinabi, “Ama, pinapasalamatan kita sapagkat ako ay dininig mo.42 Alam ko na ako ay palagi mong dinirinig, ngunit alang-alang sa mga taong nakatayo sa paligid, sinabi ko ito upang sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.”43 Pagkasabi niya ng mga ito, sumigaw siya na may malakas na tinig, “Lazaro, lumabas ka!”44 At lumabas ang namatay na natatalian ng telang panlibing ang mga kamay at mga paa at nababalot ng panyo ang kaniyang mukha. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kalagan ninyo siya at hayaan ninyo siyang yumaon.”