16 Siya ay pumunta sa Nazaret kung saan siya lumaki, at ayon sa kaniya nang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat at siya ay tumayo upang magbasa.17 At iniabot sa kaniya ang aklat ni propeta Isaias at nang ibinuklat niya ang aklat, natagpuan niya ang bahagi kung saan ito ang nasusulat,18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil ako ay pinahiran niya ng langis upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha. Isinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso, upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang panunumbalik ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naapi,19 at upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.” Isa 61:1-2
Matthew 4
23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat uri ng sakit at bawat uri ng karamdaman ng tao.
Matthew 9
35 At ang lahat ng mga lungsod at mga nayon ay nilibot ni Jesus na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman ng mga tao.