1 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;2 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;
Luke 4
17 At iniabot sa kaniya ang aklat ni propeta Isaias at nang ibinuklat niya ang aklat, natagpuan niya ang bahagi kung saan ito ang nasusulat,18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil ako ay pinahiran niya ng langis upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha. Isinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso, upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang panunumbalik ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naapi,19 at upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.” Isa 61:1-220 At nang naibalumbon niya ang aklat at naibigay niya ito sa opisyal, si Jesus ay umupo. At ang mga mata ng lahat ng mga nasa sinagoga ay nakatitig sa kaniya.21 Kaya sinimulan niya na sabihin sa kanila, “Ang Kasulatang ito ay naganap sa inyong pandinig sa araw na ito.”