46 At nagkaroon ng pagtatalu-talo sa kanila kung sino sa kanila ang magiging pinakadakila.47 At dahil alam ni Jesus ang pagtatalu-talo ng kanilang mga puso, siya ay kumuha ng isang maliit na bata at siya ay pinatayo sa kaniyang tabi.48 At sinabi niya sa kanila, “Kung ang sinuman ay tatanggap sa maliit na batang ito dahil sa aking pangalan, ako ang tinatanggap. Kung ang sinuman ay tatanggap sa akin, ang nagsugo sa akin ang tinatanggap sapagkat ang pinakamababa sa inyong lahat ang siyang magiging dakila.”
Mark 9
33 At siya ay pumunta sa Capernaum at nang siya ay nasa bahay, sila ay tinanong niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo habang kayo ay nasa daan?”34 Ngunit sila ay tumahimik sapagkat ang pinagtalunan ng bawat isa sa kanila habang nasa daan ay kung sino ang pinakadakila.35 At nang umupo siya, tinawag niya ang labindalawang alagad at sinabi niya sa kanila, “Kung ninanais ng sinuman na maging una, siya ay maging huli sa lahat at tagapaglingkod ng lahat.”36 At pagkuha niya ng maliit na bata, pinatayo niya ito sa kalagitnaan nila at pagkayakap niya sa maliit na bata, sinabi niya sa kanila,37 “Kung ang sinuman ay tatanggap sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan ay tinatanggap ako, at kung ang sinuman ay tatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi siya na nagsugo sa akin.”
Matthew 18
1 Sa oras ding iyon ay lumapit ang mga alagad kay Jesus na sinasabi, “Sino kung gayon ang pinakadakila sa paghahari ng langit?”2 Kaya tinawag ni Jesus sa kaniya ang isang maliit na bata at pinatayo sa kalagitnaan nila.3 At sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na kayo ay magbago at maging katulad ng maliliit na bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit.4 Kaya ang sinumang magpakumbaba ng kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa paghahari ng langit.5 At ang sinumang tatanggap sa isa sa maliliit na batang katulad nito sa aking pangalan ay tinatanggap ako.