15 “At kapag ang iyong kapatid ay magkasala laban sa iyo, puntahan mo siya at sabihin mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na kayong dalawa lang. Kapag siya ay makinig sa iyo, naipanumbalik mo ang iyong kapatid.16 Ngunit kapag ayaw ka niyang pakinggan, magsama ka pa ng isa o dalawa upang ‘sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ay mapapagtibay ang bawat salita.’ Deu 19:1517 Ngunit kapag ayaw niya silang pakinggan, sabihin mo ito sa iglesiya. Subalit kapag ayaw rin niyang pakinggan ang iglesiya, ituring mo siyang katulad ng isang pagano at maniningil ng buwis.18 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung anuman ang inyong talian sa lupa ay natalian na sa langit at kung anuman ang inyong kalagan sa lupa ay nakalagan na sa langit.19 “Sinasabi kong muli sa inyo, kapag ang dalawa sa inyo ay magkasundo sa kanilang hihilingin patungkol sa anumang bagay sa lupa, ito ay mangyayari sa kanila mula sa aking Ama na nasa langit20 sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkatipon sa aking pangalan, ako ay naroroon sa kanilang kalagitnaan.”21 Pagkatapos ay lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi, “Panginoon, makailang ulit bang magkakasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba?”22 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sinasabi ko sa iyo na hindi hanggang sa makapito kundi hanggang sa makapitumpung pitong ulit.