Jeesus vastaa Johanneksen opetuslapsille
| Secondary Keywords | Jesus john mga alagad pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 718 Ibinalita ng mga alagad ni Juan sa kaniya ang patungkol sa lahat ng mga bagay na ito. 19 At tinawag ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sila ay isinugo kay Jesus, na nagsasabi, “Ikaw ba yaong paparating o maghinhintay pa kami ng iba?” 20 Nang dumating ang mga lalaki kay Jesus ay kanilang sinabi, “Sinugo kami sa iyo ni Juan na tagapagbawtismo na sinasabi, ‘Ikaw ba yaong paparating o maghihintay pa kami ng iba?’ ” 21 At sa oras ding iyon, pinagaling ni Jesus ang marami mula sa mga karamdaman at sa mga salot, at ang mga pinahihirapan ng karumal-dumal na espiritu, at maraming bulag ang pinagkalooban niya ng paningin. 22 Kaya sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at ibalita ninyo kay Juan ang inyong mga nakita at mga narinig, na ang mga bulag ay nakakakita, ang mga lumpo ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, ang mga patay ay ibinabangon, at ang ebanghelyo ay ipinapangaral sa mahihirap. 23 At pinagpala ang sinumang hindi matitisod sa akin.” 24 At pagkaalis ng mga sinugo ni Juan, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa napakaraming tao patungkol kay Juan. “Ano ang ipinunta ninyo sa ilang upang inyong makita? Isang tambo ba na inuuga ng hangin? 25 Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita? Isang lalaki ba na nakasuot ng malambot na damit? Narito, sila na nakadamit ng marilag at namumuhay sa karangyaan ay nasa mga palasyo. 26 Ngunit ano ba ang inyong ipinunta para makita? Isang propeta ba? Oo, sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta 27 Siya itong tinutukoy sa nasusulat, ‘Narito, isinusugo ko ang aking sugo na nauuna sa iyo. Siya ang maghahanda ng iyong daraanan sa unahan mo.’ Mal 3:1 28 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, walang propeta ang nakahihigit kay Juan na tagapagbawtismo sa mga ipinanganak ng mga babae. Subalit siya na pinakamababa sa kaharian ng Diyos ay lalong higit pa kaysa sa kaniya.” 29 At nang narinig ito ng buong bayan at ng mga maniningil ng buwis, kinilala nilang matuwid ang Diyos sapagkat sila ay nabawtismuhan ng bawtismo ni Juan. 30 Subalit ang mga Fariseo at mga dalubhasa sa kautusan ay tumanggi sa payo ng Diyos para sa kanilang sarili dahil sila ay hindi nabawtismuhan ni Juan. 31 Ngunit sinabi ng Panginoon, “Kanino ko nga ihahalintulad ang mga tao ng lahing ito? At sino ang katulad nila? 32 Sila ay katulad ng maliliit na batang nakaupo sa pamilihan at sumisigaw sa isa't isa at sinasabi, ‘Tinugtugan namin kayo ng plawta ngunit hindi kayo sumayaw. Nanaghoy kami sa inyo ngunit hindi kayo tumangis,’ 33 sapagkat pumarito si Juan na tagapagbawtismo na hindi kumakain ng tinapay, ni umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Siya ay may demonyo.’ 34 Ang Anak ng Tao ay pumarito na kumakain at umiinom, at sinasabi ninyo, ‘Narito, ang taong matakaw at manginginom ng alak, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’ 35 Ngunit ang karunungan ay pinaging-matuwid ng lahat ng kaniyang mga anak.” Matthew 112 At nang narinig ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, siya ay nagsugo ng dalawa sa kaniyang mga alagad 3 at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba yaong pumaparito, o iba ang hinihintay namin?” 4 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at ibalita ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong naririnig at nakikita: 5 Ang mga bulag ay nakakakita at ang mga lumpo ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis at ang mga bingi ay nakakarinig, ang mga patay ay ibinabangon at ang ebanghelyo ay ipinapangaral sa mga dukha. 6 At pinagpala ang sinumang hindi matitisod sa akin.” 7 At pagkaalis nila, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa napakaraming tao patungkol kay Juan. “Ano ba ang ipinunta ninyo sa ilang na nais ninyong pagmasdan? Isang tambo ba na inuuga ng hangin? 8 Ngunit ano ba ang inyong ipinunta na nais ninyong makita? Isang tao ba na nakadamit ng malambot na kasuotan? Narito, sila na nagdadamit ng malalambot ay nasa mga bahay ng mga hari. 9 Ngunit ano ba ang inyong ipinunta upang makita? Isang propeta ba? Oo, sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta 10 sapagkat siya ito, yaong tinutukoy sa nasusulat, ‘Narito, isinusugo ko ang aking sugo na nauuna sa iyo. Siya ang maghahanda ng iyong daraanan sa unahan mo.’ ” Mal 3:1 11 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang tumindig na higit kaysa kay Juan na tagapagbawtismo. Ngunit ang pinakamaliit sa paghahari ng langit ay higit kaysa sa kaniya. 12 At mula sa mga araw ni Juan na tagapagbawtismo hanggang sa ngayon, ang paghahari ng langit ay nagdurusa ng karahasan at ito ay inaagaw ng mga mararahas 13 sapagkat ang lahat ng mga Propeta at ang Kautusan ay naghahayag hanggang kay Juan. 14 At kung ninanais ninyong tanggapin, siya ang Elias na siyang inaasahang darating. 15 Siya na may mga tainga upang makinig, hayaan siyang makinig. 16 “Ngunit saan ko ihahalintulad ang lahing ito? Ito ay katulad ng mga batang nakaupo sa mga pamilihan at sumisigaw sa kanilang mga kasama 17 at sinasabi, ‘Tinugtugan namin kayo ng plawta ngunit hindi kayo sumayaw. Nanaghoy kami sa inyo ngunit hindi kayo tumangis.’ 18 “Sapagkat si Juan ay dumating na hindi kumakain, ni umiinom kaya sinasabi nila, ‘Siya ay may demonyo.’ 19 Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nila, ‘Narito, ang taong matakaw at manginginom ng alak, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.’ Ngunit ang karunungan ay pinaging-matuwid ng kaniyang mga anak.” |