13 Ngunit, mga kapatid, hindi ko ibig na kayo ay maging walang alam patungkol sa mga natutulog upang hindi kayo magdalamhati katulad din ng iba na mga walang pag-asa,14 sapagkat kung tayo ay naniniwala na si Jesus ay namatay at muling bumangon, kahit sila na natutulog kay Jesus ay dadalhing kasama ng Diyos.15 Dahil ito ang sinasabi namin sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong mga nananatiling buhay hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi kailanman mauuna sa kanila na mga natutulog,16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon.17 Gayundin, tayo na mga nananatiling buhay ay magkasabay na aagawin sa mga ulap na kasama nila para sa pagsalubong ng Panginoon sa hangin at sa gayong paraan ay makakasama natin ang Panginoon kailanman.18 Kung kaya palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga salitang ito.