Jeesus lähettää opetuslapsia kahdelta
| Secondary Keywords | dalawa Ipinapadala Jesus mga alagad pagbabalik pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 101 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang ng pitumpung iba pa at sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa kaniyang unahan sa bawat lungsod at dako na kaniyang pupuntahan. 2 Kaya sinabi niya sa kanila, “Totoong marami ang anihin ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Dumalangin nga kayo sa Panginoon ng anihan upang magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan. 3 Humayo kayo. Narito, isinusugo ko kayo katulad ng mga batang tupa sa kalagitnaan ng mga lobo. 4 Huwag kayong magdala ng lalagyan ng salapi, o ng supot, o ng mga pangyapak, at huwag kayong bumati kaninuman sa daan. 5 Sa alinmang bahay na inyong papasukan, sabihin ninyo, ‘Kapayapaan sa bahay na ito.’ 6 Kapag ang anak ng kapayapaan ay naroroon, ang inyong kapayapaan ay mananatili roon, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa inyo. 7 At kayo ay manatili mismo sa bahay na iyon. Kainin at inumin ninyo ang anumang bagay na ipagkaloob nila sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang gantimpala. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay. 8 At sa alinmang lungsod na inyong papasukin at kayo ay kanilang tatanggapin, kainin ninyo ang mga bagay na inihahain sa inyo. 9 Pagalingin ninyo ang mga may karamdaman na naroroon at sabihin ninyo sa kanila, ‘Ang paghahari ng Diyos ay lumapit na sa inyo.’ 10 Ngunit sa alinmang lungsod na inyong papasukin at kayo ay hindi tatanggapin, paglabas ninyo sa mga lansangan nito ay sabihin ninyo, 11 ‘Maging ang alikabok na kumapit sa amin mula sa inyong lungsod ay aming ipinapagpag laban sa inyo. Gayunpaman, alamin ninyo ito, na ang paghahari ng Diyos ay lumapit na sa inyo.’ 12 Subalit sinasabi ko sa inyo na lalo pang madaling tiisin ang parusa sa Sodoma sa araw na iyon kaysa sa lungsod na iyon.” 13 “Sa iyong aba, Corazin! Sa iyong aba, Betsaida! Sapagkat kung ang mga makapangyahirang gawa na nangyari sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, sila ay matagal na sanang nagsisi na nakaupo sa kasuotang-sako at sa abo. 14 At madali pang batahin ang parusa sa Tiro at Sidon kaysa sa inyo sa paghuhukom. 15 At ikaw Capernaum na itinaas hanggang sa langit ay ibabagsak hanggang sa Hades. 16 Siya na dumirinig sa inyo ay dumirinig sa akin. Siya na tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin at siya na tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.” Luke 121 Sa panahong iyon, nang ang hindi mabilang na napakaraming tao ay nagkakatipon, kung kaya sila ay nagkakatapakan na sa isa't isa, si Jesus ay nagsimulang magsabi, una sa kaniyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo, na ito ay ang pagpapaimbabaw, 2 sapagkat walang anumang natakpan na hindi mahahayag o nakatago na hindi malalaman. 3 Sa halip, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag at anuman ang inyong ibulong sa loob ng mga silid ay mahahayag sa mga bubungan. 4 “At sinasabi ko sa inyo na mga kaibigan ko, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan at pagkatapos ng mga ito ay wala nang magagawang anumang higit pa. 5 Ngunit ipapauna kong sasabihin sa inyo kung sino ang inyong katatakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya. 6 “Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa halagang dalawang sentimo° at isa man sa kanila ay hindi pinabayaan ng Diyos? 7 Ngunit kahit ang mga buhok ng inyong ulo, ang lahat ay may bilang na. Kaya huwag kayong matakot. Kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya. 8 “Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang maghahayag sa akin sa harap ng mga tao ay ihahayag din naman ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. 9 Ngunit siya na magkakaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila rin sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10 “At ang bawat isang magsasalita laban sa Anak ng Tao, ito ay ipapatawad sa kaniya, ngunit siya na maglalapastangan laban sa Banal na Espiritu, ito ay hindi ipapatawad. 11 “At kapag kayo ay dadalhin nila sa mga sinagoga at sa harap ng mga pinuno at ng mga may kapamahalaan, huwag kayong mabalisa kung paano, o ano ang inyong isasagot, o ano ang inyong sasabihin 12 sapagkat ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras ding iyon kung ano ang kailangan ninyong sabihin.” Luke 91 Pagkatipon ni Jesus ng kaniyang labindalawang alagad, sila ay binigyan niya ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit. 2 At sila ay isinugo niya upang ipangaral ang paghahari ng Diyos at upang pagalingin ang mga may karamdaman. 3 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay kahit tungkod, o supot, o tinapay, o pilak, o magkaroon ng dalawang tunika. 4 “At saan mang bahay kayo papasok, manatili kayo roon at umalis kayo mula roon. 5 Kung ang sinuman ay hindi tatanggap sa inyo, sa inyong paglabas sa lungsod na iyon ay pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.” 6 Kaya sila ay umalis at sila ay dumaan sa lahat ng mga nayon na ipinapahayag ang ebanghelyo at nagpapagaling sa lahat ng dako. Mark 67 And he called the twelve and began to send them out two by two, and gave them authority over the unclean spirits. 8 He charged them to take nothing for their journey except a staff—no bread, no bag, no money in their belts— 9 but to wear sandals and not put on two tunics. 10 And he said to them, “Whenever you enter a house, stay there until you depart from there. 11 And if any place will not receive you and they will not listen to you, when you leave, shake off the dust that is on your feet as a testimony against them.” 12 So they went out and proclaimed that people should repent. 13 And they cast out many demons and anointed with oil many who were sick and healed them. Matthew 105 Ang labindalawang ito ay isinugo ni Jesus at inutusan niya na sinasabi, “Huwag kayong pupunta sa daan ng mga Gentil at huwag kayong papasok sa alinmang lungsod ng mga taga-Samaria. |