33 Pumasok ngang muli si Pilato sa Pretorio, tinawag si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”34 Sumagot sa kaniya si Jesus, “Sinasabi mo ba ito mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa iyo patungkol sa akin?”35 Sumagot si Pilato, “Ako ba ay isang Judio? Dinala ka sa akin ng iyong sariling bansa at ng mga punong saserdote. Ano ba ang ginawa mo?”