3 Ngunit sumagot si Jesus na sinasabi sa kanila, “Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?”
Matthew 5
1 Nang nakita ni Jesus ang mga napakarami, siya ay umahon sa bundok at nang siya ay umupo, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad.2 At ibinuka niya ang kaniyang bibig at sila ay tinuruan niya na sinasabi,3 “Pinagpala ang mga dukha sa espiritu sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.5 Pinagpala ang mga mapagpakumbaba sapagkat mamanahin nila ang lupa.6 Pinagpala ang mga nagugutom at mga nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin.7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.8 Pinagpala ang mga may pusong dalisay sapagkat makikita nila ang Diyos.9 Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.10 Pinagpala sila na mga pinagmamalupitan dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit.