1 Sa panahong iyon, nang ang hindi mabilang na napakaraming tao ay nagkakatipon, kung kaya sila ay nagkakatapakan na sa isa't isa, si Jesus ay nagsimulang magsabi, una sa kaniyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo, na ito ay ang pagpapaimbabaw,2 sapagkat walang anumang natakpan na hindi mahahayag o nakatago na hindi malalaman.3 Sa halip, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag at anuman ang inyong ibulong sa loob ng mga silid ay mahahayag sa mga bubungan.