48 Ngunit siya na nagkakanulo kay Jesus ay nagbigay sa kanila ng isang tanda, na sinasabi, “Ang sinumang hahalikan ko, siya iyon. Dakpin ninyo siya.”49 At siya ay lumapit kaagad kay Jesus at sinabi, “Pagbati, Rabbi!” At magiliw niyang hinalikan si Jesus.50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, ano ang dahilan ng iyong pagparito?” Sa oras na iyon, sila ay lumapit at hinawakan si Jesus at dinakip siya.