Jeesus opettaa kansaa
| Secondary Keywords | Jesus mga tao nagtuturo pagtuturo pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 622 Kinabukasan, nakita ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka roon maliban sa isa na sinakyan ng kaniyang mga alagad. Alam nilang hindi sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka, sa halip ay ang kaniyang mga alagad lamang ang umalis. 23 Gayunpaman, may ibang mga bangkang dumating mula sa Tiberias, malapit sa lugar kung saan sila kumain ng tinapay pagkatapos magpasalamat ang Panginoon. 24 Kaya nang nakita ng mga tao na si Jesus ay wala roon, ni ang kaniyang mga alagad, sila ay sumakay rin sa mga bangka at pumunta sa Capernaum upang hanapin si Jesus. 25 Nang natagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng dagat, sinabi nila sa kaniya, “Rabbi, kailan ka pumunta rito?” 26 Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil nakita ninyo ang mga tanda kundi dahil kayo ay kumain mula sa mga tinapay at nabusog. 27 Huwag kayong magpagal para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili sa buhay na walang hanggan na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.” 28 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin upang aming magawa ang mga gawa ng Diyos?” 29 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ito ang gawa ng Diyos, na dapat kayong sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama.” 30 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ano ngayon ang tanda na iyong gagawin na dapat naming makita at dapat naming sampalatayanan sa iyo? Ano ang gagawin mo? 31 Ang mga ninuno natin ay kumain ng manna sa ilang katulad ng nasusulat, ‘Sila ay binigyan niya ng tinapay na mula sa langit upang kainin.’ ” Awi 78:24 32 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na mula sa langit kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sangkatauhan.” 34 Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, bigyan mo kami palagi ng tinapay na ito.” 35 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hinding-hindi na magugutom at siya na sumasampalataya sa akin ay hinding-hindi na mauuhaw kailanman. 36 Subalit sinabi ko sa inyo na ako ay nakita na rin ninyo ngunit hindi kayo sumasampalataya. 37 Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin at siya na lumalapit sa akin ay hinding-hindi ko itataboy. 38 Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit hindi upang magawa ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 Ito ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin na ang lahat ng ibinigay niya sa akin, walang sinuman ang aking maiwala kundi ibabangon ko siya sa huling araw. 40 Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin na ang lahat na nagmamasid nang mabuti sa Anak at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at ibabangon ko siya sa huling araw.” 41 Kaya ang mga Judio ay bumubulung-bulong patungkol sa kaniya sapagkat sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si Jesus, ang anak ni Jose na ang kaniyang ama at ina ay kilala natin? Kaya papaanong sinasabi ng isang ito, ‘Ako ay bumaba mula sa langit’?” 43 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong magbulung-bulungan sa isa't isa. 44 Walang sinumang makakalapit sa akin maliban na ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin. Siya ay ibabangon ko sa huling araw. 45 Nakasulat sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Isa 54:13 Kaya nga ang bawat isa na nakarinig sa Ama at natuto ay lalapit sa akin. 46 Hindi dahil nakita ng sinuman ang Ama maliban sa kaniya na mula sa Diyos, siya ang nakakita sa Ama. 47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Ang inyong mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang at sila ay namatay na. 50 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit upang ang sinumang makakain nito ay hindi mamamatay. 51 Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Kung sinuman ang makakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman, at ang tinapay na ibibigay ko ay ang aking laman, na ibibigay ko alang-alang sa buhay ng sangkatauhan.” 52 Kaya nagtalu-talo ang mga Judio sa isa't isa na nagsasabi, “Papaano niya ibibigay sa atin ang kaniyang laman upang kainin?” 53 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na makakain kayo ng laman ng Anak ng Tao at makainom ng kaniyang dugo, wala kayong buhay sa inyong mga sarili. 54 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay mayroong buhay na walang hanggan at ibabangon ko siya sa huling araw 55 sapagkat ang aking laman ay totoong pagkain at ang aking dugo ay totoong inumin. 56 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako sa kaniya. 57 Kung paanong ako ay isinugo ng buhay na Ama at ako ay nabubuhay dahil sa Ama, sa gayunding paraan, siya na kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ang tinapay na ito na bumaba mula sa langit ay hindi katulad ng manna na kinain ng inyong mga ninuno at namatay. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” 59 Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum. 60 Kaya nang narinig nila ang mga ito, marami sa kaniyang mga alagad ang nagsabi, “Mahirap ang pananalitang ito. Sino ang makakaunawa nito?” 61 Ngunit dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulung-bulungan ang kaniyang mga alagad patungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Nakakatisod ba ito sa inyo? 62 Ano pa kaya kung mamamasdan ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas sa dati niyang kinaroroonan? 63 Ang Espiritu ang nagbibigay buhay, ang laman ay walang napapakinabangang anuman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at ito ay buhay. 64 Subalit mayroong ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sapagkat alam na ni Jesus mula sa simula kung sino ang mga hindi sumasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kaniya. 65 At sinabi niya, “Dahil dito, sinabi ko na sa inyo na walang sinumang makakalapit sa akin maliban na ito ay naipagkaloob na sa kaniya mula sa aking Ama.” 66 Mula noon marami sa kaniyang mga alagad ang tumalikod at hindi na lumakad kasama niya. 67 Kaya sinabi ni Jesus sa labindalawa, “Hindi ba nais din ninyong umalis?” 68 Sumagot sa kaniya si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami sasama? Nasa iyo ang mga salita ng buhay na walang hanggan. 69 Kami ay sumampalataya at alam na namin na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” 70 Sumagot sa kanila si Jesus, “Hindi ba labindalawa kayong pinili ko at ang isa sa inyo ay diyablo?” 71 Ang tinutukoy niya ay si Judas na taga-Keriot na anak ni Simon sapagkat siya ang magkakanulo sa kaniya. Siya ay isa sa labindalawa. Luke 819 At pumunta kay Jesus ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid na lalaki, ngunit hindi sila makalapit sa kaniya dahil sa napakaraming tao. 20 At may nagbalita sa kaniya na sinasabi, “Ang iyong ina at iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, nais ka nilang makita.” 21 Ngunit siya ay sumagot at kaniyang sinabi sa kanila, “Ang aking ina at aking mga kapatid na lalaki ay sila na nakikinig ng salita ng Diyos at tinutupad ito.” Mark 331 Pagkatapos nito, dumating ang kaniyang mga kapatid na lalaki at ang kaniyang ina at habang nakatayo sa labas, sila ay nagsugo sa kaniya upang tawagin siya. 32 At ang napakaraming taong nakaupo sa palibot niya ay nagsabi rin sa kaniya, “Narito, ang iyong ina at mga kapatid na lalaki na nasa labas ay naghahanap sa iyo.” 33 Sumagot siya sa kanila na sinasabi, “Sino ang aking ina o mga kapatid na lalaki?” 34 Tiningnan niya sa paligid ang mga taong nakaupo sa kaniyang palibot at sinabi niya, “Narito, ang aking ina at mga kapatid na lalaki, 35 sapagkat ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae at ina.” Matthew 1246 Ngunit habang si Jesus ay nagsasalita pa sa napakaraming tao, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay nakatayo na sa labas at nagnanais na makipag-usap sa kaniya. 47 May isang nagsabi sa kaniya, “Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo na sa labas at nagnanais na makipag-usap sa iyo.” 48 Ngunit si Jesus ay sumagot at sinabi niya sa nagsabi sa kaniya, “Sino ang aking ina? At sinu-sino ang aking mga kapatid na lalaki?” 49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid na lalaki 50 sapagkat ang sinumang gaganap sa kalooban ng aking Ama na siyang nasa langit, siya ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.” |