Jeesus opettaa
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus opetuksen opettamista pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 533 Ngunit sinabi nila sa kaniya, “Bakit ang mga alagad ni Juan ay madalas na nag-aayuno at nanalangin at gayundin ang mga alagad ng mga Fariseo, ngunit ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom?” 34 Subalit sinabi niya sa kanila, “Makapag-aayuno ba ang mga anak ng silid-kasalan habang ang lalaking ikakasal ay kasama nila? 35 At darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay kukunin din sa kanila at sa mga araw na iyon ay mag-aayuno sila.” 36 Siya ay nagsabi rin sa kanila ng isang talinghaga, “Walang sinumang nagtatagpi ng kaputol ng bagong damit sa lumang damit. At kapag magkagayon, gumagawa rin ng punit ang bago at ang tagping mula sa bago ay hindi nagtutugma sa luma. 37 At walang sinumang nagsasalin ng bagong alak sa mga lumang sisidlang-balat. At kapag magkagayon, papuputukin ng bagong alak ang mga sisidlang-balat at mabubuhos ang alak at ang mga sisidlang-balat ay masisira. 38 Sa halip, ang bagong alak ay dapat isalin sa mga bagong sisidlang-balat at kapwa itong mapapanatili. 39 At walang sinumang natapos uminom ng lumang alak ang nagnanais kaagad ng bago sapagkat kaniyang sinasabi, ‘Ang luma ay mas mabuti.’ ” Luke 957 At nangyari, habang sila ay naglalakbay sa daan ay may isang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.” 58 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga sora ay may mga lungga at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapaghihiligan ng kaniyang ulo.” 59 At sinabi ni Jesus sa iba, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sinabi niya, “Panginoon, pahintulutan mo muna akong umalis upang ilibing ang aking ama.” 60 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hayaan mo na ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay. Subalit humayo ka at ipahayag mo ang paghahari ng Diyos.” 61 At sinabi naman ng isa, “Panginoon, susunod ako sa iyo, ngunit pahintulutan mo muna akong magpaalam sa kanila na nasa bahay ko.” 62 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Walang sinumang nakahawak sa araro at tumitingin sa mga bagay sa likuran ay karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Mark 218 Ang mga alagad ni Juan at yaong sa mga Fariseo ay nag-aayuno. Lumapit sila kay Jesus at sinabi sa kaniya, “Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at yaong sa mga Fariseo, ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?” 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Makapag-aayuno ba ang mga anak ng silid-kasalan habang ang lalaking ikakasal ay kasama nila? Hindi sila makapag-aayuno sa panahong kasama nila ang lalaking ikakasal, 20 ngunit darating ang mga araw na siya ay kukunin sa kanila, at saka sila mag-aayuno sa mga araw na iyon. 21 Walang sinumang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit, sapagkat kung ang bagong telang itinagpi ay umurong babatakin nito ang lumang damit at ang punit ay lalong lalala. 22 Walang sinumang nagsasalin ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, kung hindi ay papuputukin ng bagong alak ang sisidlang-balat, at ang alak ay matatapon at ang sisidlang-balat ay masisira, sa halip, ang bagong alak ay dapat isalin sa bagong sisidlang-balat.” Matthew 819 At may isang eskribang lumapit sa kaniya na nagsabi, “Guro, susunod ako sa iyo kahit saan ka man pupunta.” 20 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga sora ay may mga lungga at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapaghihiligan ng kaniyang ulo.” 21 At isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, pahintulutan mo muna ako na umuwi at ilibing ang aking ama.” 22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin at hayaan mo ang mga patay na ilibing ang kanilang mga patay.” Matthew 914 Pagkatapos nito ay lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi, “Bakit kami at ang mga Fariseo ay madalas na nag-aayuno ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?” 15 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Maaari bang magluksa ang mga anak ng silid-kasalan habang ang lalaking ikakasal ay kasama nila? Ngunit darating ang mga araw kung kailan kukunin mula sa kanila ang lalaking ikakasal. Pagkatapos nito sila ay mag-aayuno. 16 At walang sinumang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit sapagkat ang tagpi nito ay bumabatak sa damit at ang punit nito ay lalong lumalala. 17 Hindi sila nagsasalin ng bagong alak sa mga lumang sisidlang-balat sapagkat, kapag magkagayon, pumuputok ang mga sisidlang-balat, nabubuhos ang alak at masisira ang mga sisidlang-balat. Ngunit isinasalin nila ang bagong alak sa mga bagong sisidlang-balat at kapwa tumatagal ang mga ito.” |








