1 Nang nakita ni Jesus ang mga napakarami, siya ay umahon sa bundok at nang siya ay umupo, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad.2 At ibinuka niya ang kaniyang bibig at sila ay tinuruan niya na sinasabi,3 “Pinagpala ang mga dukha sa espiritu sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.5 Pinagpala ang mga mapagpakumbaba sapagkat mamanahin nila ang lupa.6 Pinagpala ang mga nagugutom at mga nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin.7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.8 Pinagpala ang mga may pusong dalisay sapagkat makikita nila ang Diyos.9 Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.10 Pinagpala sila na mga pinagmamalupitan dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit.11 Pinagpala kayo kapag kayo ay hamakin, pagmamalupitan at pagwiwikaan nila ng lahat ng uri ng masamang pananalita na mga kasinungalingan laban sa inyo dahil sa akin.12 Magalak kayo at magsaya nang lubos sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa kalangitan dahil sa gayunding paraan ay pinagmalupitan nila ang mga propetang nauna sa inyo.