Turo ni Jesus
| Avainsanat | alagad diyos Jeesus Jeesus koleksyon opetuksen opettamista |
|---|---|
| Secondary Keywords | burol Galilea opetuslapset panlabas puno sa labas Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 922 na sinasabi, “Ang Anak ng Tao ay kinakailangang magdanas ng matinding pagdurusa at itatakwil ng matatanda, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at upang ipapatay subalit siya ay ibabangon sa ikatlong araw.” 23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung ibig ng sinuman na ako ay sundan, tanggihan niya ang kaniyang sarili at pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw at siya ay sumunod sa akin, 24 sapagkat ang sinumang magnanais na maingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinuman na ang kaniyang buhay ay mawawala alang-alang sa akin, maiingatan niya ito. 25 Sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao kung makamtan niya ang buong sanlibutan ngunit mapapahamak o mawawala naman ang kaniyang sarili? 26 Sapagkat kung ako at ang aking salita ay ikakahiya ng sinuman, siya ay ikakahiya ng Anak ng Tao sa kaniyang pagparito sa kaniyang kaluwalhatian, at ng Ama at ng mga banal na anghel. 27 Ngunit katotohanang sinasabi ko sa inyo, mayroong ilan sa mga nakatayo rito na kailanman ay hindi makakaranas ng kamatayan hanggang sa makita nila ang paghahari ng Diyos.” Mark 831 At siya ay nagsimula sa pagtuturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kinakailangang magdanas ng matinding pagdurusa, at tatanggihan ng matatanda at ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at ipapapatay at muling mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw. 32 At ang salitang ito ay hayagang sinabi ni Jesus sa kanila. Kaya isinama siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang sawayin. 33 Ngunit nang lumingon at nakita ni Jesus ang kaniyang mga alagad, sinaway niya si Pedro na sinasabi, “Pumunta ka sa likuran ko, Satanas! Sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na para sa Diyos kundi ang mga bagay na para sa mga tao.” Matthew 1621 Mula noon ay sinimulan nang ipakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem upang maghirap ng labis mula sa matatanda at sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. At siya ay papatayin subalit muling ibabangon sa ikatlong araw. 22 At siya ay isinama ni Pedro at sinimulan siyang sawayin na sinasabi, “Panginoon, huwag nawang mangyari sa iyo. Hinding-hindi ito mangyayari sa iyo.” 23 Ngunit nang siya ay lumingon at kaniyang sinabi kay Pedro, “Pumunta ka sa likuran ko, Satanas. Ikaw ay hadlang sa akin sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na ukol sa Diyos, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao.” 24 Pagkatapos nito ay sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod siya sa akin. 25 Ito ay sapagkat ang sinumang magnanais na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay masusumpungan ito. 26 Dahil ano ang napapakinabangan ng isang tao kapag makamtan niya ang buong sanlibutan at mapahamak ang kaniyang kaluluwa? O ano ang ibibigay ng isang tao kapalit ng kaniyang kaluluwa? 27 Sapagkat ang Anak ng Tao ay malapit ng dumating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos nito ay gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang gawa. 28 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, may ilan sa mga nakatayo rito ang hinding-hindi makakaranas ng kamatayan hanggang sa kanilang makita ang Anak ng Tao na dumarating sa kaniyang kaharian.” Matthew 935 At ang lahat ng mga lungsod at mga nayon ay nilibot ni Jesus na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman ng mga tao. 36 Ngunit nang makita niya ang napakaraming tao, siya ay nahabag sa kanila sapagkat sila ay nanlulupaypay at nangalat katulad ng mga tupang walang pastol. 37 Pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Totoong marami ang anihin ngunit kakaunti ang mga manggagawa. 38 Dumalangin nga kayo sa Panginoon ng anihan upang magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.” |








