31 At isinama ni Jesus ang labindalawa at sinabi niya sa kanila, “Narito, tayo ay aahon sa Jerusalem at ang lahat ng mga bagay na nasusulat sa pamamagitan ng mga propeta patungkol sa Anak ng Tao ay magaganap32 sapagkat siya ay ipagkakanulo sa mga Gentil at kukutyain, aalipustain at duduraan.33 At pagkatapos siyang hagupitin, siya ay kanilang papatayin, ngunit sa ikatlong araw siya ay babangon.”34 At wala silang naunawaan sa mga bagay na ito. At ang pananalitang ito ay itinago mula sa kanila at hindi nila nalalaman ang mga bagay na sinasabi.
Mark 10
32 Nang sila ay nasa daan paahon sa Jerusalem, namangha sila na si Jesus ay nasa unahan na nila at sa kanilang pagsunod sa kaniya, sila ay natakot. At nang muli niyang isinama ang labindalawang alagad, sinimulan niyang sabihin sa kanila ang patungkol sa mga bagay na malapit nang mangyari sa kaniya.33 Sinabi ni Jesus, “Narito, tayo ay aahon sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba, at siya ay kanilang hahatulan ng kamatayan, at siya ay ipagkakanulo nila sa mga Gentil.34 At siya ay kukutyain nila, siya ay hahagupitin nila, siya ay duduraan nila at siya ay papatayin nila, at sa ikatlong araw, siya mismo ay muling babangon.”
Matthew 20
17 And as Jesus was going up to Jerusalem, he took the twelve disciples aside, and on the way he said to them,18 “See, we are going up to Jerusalem. And the Son of Man will be delivered over to the chief priests and scribes, and they will condemn him to death19 and deliver him over to the Gentiles to be mocked and flogged and crucified, and he will be raised on the third day.”