38 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang aking kaluluwa ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay na kasama ko.”39 At siya ay pumunta sa di-kalayuan at siya ay nagpatirapa sa kaniyang mukha at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung maaari ay hayaan mong lumampas sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi ang ayon sa aking ninanais kundi ang sa iyo.”40 At siya ay pumunta sa mga alagad at sila ay natagpuan niyang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Hindi ba ninyo kayang magbantay ng isang oras na kasama ko?41 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.”42 Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang umalis at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung hindi maaaring lumampas sa akin ang sarong ito maliban na ito ay aking inumin, mangyari ang iyong kalooban.”43 At sa kaniyang pagbalik ay natagpuan niya sila na muling natutulog sapagkat ang kanilang mga mata ay bumigat na.