Jeesus kävelee kentällä
| Secondary Keywords | alagad Jeesus Jeesus pahimakas palakad patlang Ralph Pallen Coleman Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 37 Kaya umalis si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad patungo sa dagat at sumunod sa kaniya ang lubhang napakaraming taong mula sa Galilea, mula sa Judea, 8 mula sa Jerusalem, mula sa Idumea at sa kabilang ibayo ng Jordan at yaong mga nasa palibot ng Tiro at Sidon. Lubhang napakarami ang pumaroon sa kaniya dahil narinig nila ang mga dakilang ginagawa niya. 9 Sinabi niya sa kaniyang mga alagad na maghanda para sa kaniya ng maliit na bangka, dahil sa napakaraming tao, upang hindi sila magsiksikan sa kaniya 10 sapagkat marami siyang pinagaling kung kaya siniksik siya upang mahawakan ng sinumang may sakit. 11 Sa tuwing nakikita siya ng mga karumal-dumal na espiritu, sila ay nagpapatirapa sa kaniya at sumisigaw na nagsasabi, “Ikaw ang Anak ng Diyos.” 12 Ngunit mahigpit niyang pinagbilinan na huwag nilang ihayag kung sino siya. Matthew 1215 Ngunit nang nalaman ito ni Jesus, siya ay umalis doon subalit ang lubhang napakaraming tao ay sumunod sa kaniya at silang lahat ay pinagaling niya. 16 At ipinagbilin niya sa kanila na huwag nilang ihayag kung sino siya 17 upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias na sinasabi, 18 “Masdan ninyo, ang aking lingkod na aking hinirang, ang aking pinakamamahal na siyang labis na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa kaniya at ihahayag niya ang hatol sa mga Gentil. 19 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw, ni walang sinumang makakarinig ng kaniyang tinig sa mga lansangan. 20 Hindi niya dudurugin ang nabaling tambo at hindi niya papatayin ang umuusok na mitsa hanggang sa mabigyan niya ng tagumpay ang hatol. 21 At ang mga Gentil ay aasa sa kaniyang pangalan.” Isa 42:1-4 Matthew 413 At nang siya ay umalis sa Nazaret, siya ay pumunta at nanirahan sa Capernaum na nasa tabi ng dagat, sa may hangganan ng Zebulon at Neftali 14 upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias na sinasabi, 15 “Ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neftali, sa daanan sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil: 16 Ang mga taong nananahan sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag, at sa kanila na nananahan sa lalawigan at sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Isa 9:1-2 17 Mula sa panahong iyon, si Jesus ay nagsimulang magpahayag at magsabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.” Matthew 935 At ang lahat ng mga lungsod at mga nayon ay nilibot ni Jesus na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman ng mga tao. 36 Ngunit nang makita niya ang napakaraming tao, siya ay nahabag sa kanila sapagkat sila ay nanlulupaypay at nangalat katulad ng mga tupang walang pastol. 37 Pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Totoong marami ang anihin ngunit kakaunti ang mga manggagawa. 38 Dumalangin nga kayo sa Panginoon ng anihan upang magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.” |