48 At nakita niyang nahihirapan sila sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin sa kanila. Nang malapit na ang ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat at ibig niyang lagpasan sila.49 Subalit pagkakita nila sa kaniya na naglalakad sa ibabaw ng dagat ay inakala nilang ito ay multo at sila ay sumigaw50 sapagkat siya ay nakita nilang lahat at sila ay nabalisa. Subalit kaagad siyang nagsalita sa kanila at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot.”