Jeesus kävelee veden päällä
| Secondary Keywords | bangka hangin himala Jesus kalagayan mga alagad pahimakas sining tubig Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 615 Perceiving then that they were about to come and take him by force to make him king, Jesus withdrew again to the mountain by himself. 16 When evening came, his disciples went down to the sea, 17 got into a boat, and started across the sea to Capernaum. It was now dark, and Jesus had not yet come to them. 18 The sea became rough because a strong wind was blowing. 19 When they had rowed about three or four miles, they saw Jesus walking on the sea and coming near the boat, and they were frightened. 20 But he said to them, “It is I; do not be afraid.” 21 Then they were glad to take him into the boat, and immediately the boat was at the land to which they were going. Mark 645 At inutusan kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay sa bangka at upang mauna sa kabilang ibayo patungong Betsaida hanggang sa mapauwi niya ang napakaraming tao. 46 At nang sila ay napaluwas niya, siya ay umahon sa bundok upang manalangin. 47 At pagsapit ng gabi, ang bangka ay nasa gitna ng dagat, ngunit si Jesus ay nag-iisa sa lupa. 48 At nakita niyang nahihirapan sila sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin sa kanila. Nang malapit na ang ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat at ibig niyang lagpasan sila. 49 Subalit pagkakita nila sa kaniya na naglalakad sa ibabaw ng dagat ay inakala nilang ito ay multo at sila ay sumigaw 50 sapagkat siya ay nakita nilang lahat at sila ay nabalisa. Subalit kaagad siyang nagsalita sa kanila at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot.” 51 Siya ay sumakay sa kanilang bangka kaya humupa ang hangin at labis-labis silang nanggilalas at namangha 52 sapagkat hindi nila naunawaan ang patungkol sa mga tinapay dahil tumigas na ang kanilang puso. 53 At nang sila ay nakatawid na, dumating sila sa lupain ng Genesaret at dumaong sa dalampasigan. 54 Nang nakababa sila mula sa bangka, si Jesus ay nakilala kaagad ng mga tao. Matthew 1422 At inutusan kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay sa bangka at mauna sa kaniya sa kabilang ibayo hanggang sa mapauwi niya ang napakaraming tao. 23 At nang napaalis na niya ang napakaraming tao, siya ay umahon sa bundok na nag-iisa upang manalangin. At nang sumapit na ang gabi, siya ay mag-isa roon, 24 ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat na sinasalpok ng malalakas na alon sapagkat ang hangin ay pasalungat. 25 At sa ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat. 26 At nang siya ay nakita ng mga alagad na naglalakad sa ibabaw ng dagat, sila ay nabalisa na sinasabi, “Ito ay multo!” At sila ay sumigaw dahil sa takot. 27 Ngunit nagsalita kaagad si Jesus sa kanila na sinasabi, “Lakasan ninyo ang inyong loob, ako ito, huwag kayong matakot.” 28 Kaya sumagot sa kaniya si Pedro na nagsasabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo ako na pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.” 29 At sinabi niya, “Halika.” At si Pedro ay bumaba mula sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin siya ay natakot at nagsimula nang lumubog, kaya siya ay sumigaw na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo ako.” 31 Kaya kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya at sinabi sa kaniya, “Ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?” 32 At nang sila ay nakasakay na sa bangka, humupa ang hangin. 33 Kaya sila na nasa bangka ay lumapit at sumamba kay Jesus na sinasabi, “Totoong ikaw ang Anak ng Diyos.” |