Sakarja pyysi kirjoitustablettia, koska hänen nimensä tulisi olla Sakarja hänen isänsä tai Johanneksen mukaan. Sakarja painoi Johnia tablettiin. Ihmiset olivat järkyttyneitä, mutta tiesivät, että Herra oli heidän kanssaan.
57 At dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang ng isang anak na lalaki.58 Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-anak na dinadagdagan ng Panginoon ang kaniyang kahabagan sa kaniya at sila ay nakigalak sa kaniya.59 At nangyari na sa ikawalong araw, sila ay dumating upang tuliin ang bata. At siya ay tinawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama.60 Ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi, sa halip, siya ay tatawaging Juan.”61 Subalit sinabi nila sa kaniya, “Wala ni isa sa iyong mga kamag-anak ang tinawag sa pangalang ito.”62 At sila ay sumenyas sa kaniyang ama kung ano ang ninanais niyang itawag sa sanggol.63 At nang siya ay nakahingi ng mapagsusulatan, siya ay sumulat na sinasabi, “Juan ang kaniyang pangalan.” At silang lahat ay namangha.64 At kaagad nabuksan ang kaniyang bibig at ang kaniyang dila ay nakalagan at siya ay nagsalita na nagpupuri sa Diyos.65 At nagkaroon ng takot ang lahat ng mga naninirahan sa kanilang paligid. At ang lahat ng mga salitang ito ay pinag-usap-usapan sa buong maburol na lupain ng Judea.66 Isinapuso ng lahat ng mga nakarinig ang mga bagay na ito na sinasabi, “Magiging ano kaya ang batang ito?” At ang kamay ng Panginoon ay sumakaniya.