Johannes ja Andrew seuraavat Jeesusta
| Secondary Keywords | Andres Jesus john pahimakas pasyon sundin Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 135 Kinabukasan, si Juan ay muling tumayo roon kasama ang dalawa sa kaniyang mga alagad. 36 Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos!” 37 Narinig ng dalawang alagad nang siya ay nagsalita kaya sumunod sila kay Jesus. 38 Paglingon ni Jesus at nakita niyang sumusunod sila, sinabi niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” Sinabi nila sa kaniya, “Rabbi,” (ang ibig sabihin ay Guro) “saan ka nakatira?” 39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at inyong tingnan.” Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-ikasampu na ang oras. 40 Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Natagpuan namin ang Mesiyas” (na ang kahulugan ay Cristo). 42 Isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Tiningnan siya ni Jesus at sinabi, “Ikaw ay si Simon na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas” (na ang ibig sabihin ay bato). Luke 1720 At nang tinanong siya ng mga Fariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos, siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Ang paghahari ng Diyos ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagmamasid, 21 ni sa kanilang sasabihin, ‘Tingnan mo rito!’ o ‘Tingnan mo roon!’ Narito, sapagkat ang paghahari ng Diyos ay nasa inyo.” 22 At sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Darating ang mga araw na mahigpit ninyong hahangarin na makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at hindi ninyo ito makikita. 23 At sasabihin nila sa inyo, ‘Tingnan mo rito!’ o ‘Tingnan mo roon!’ Huwag ninyo silang pupuntahan, ni susundan, 24 sapagkat kung paano ang pagningning ng kidlat ay nagliliwanag mula sa isang bahagi sa ilalim ng langit hanggang sa isang bahagi sa ilalim ng langit, gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao sa araw niya. 25 Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at tanggihan ng lahing ito. 26 At kagaya ng nangyari sa mga araw ni Noe, magiging gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. 27 Sila ay kumakain, sila ay umiinom, sila ay nag-aasawa at sila ay ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha at silang lahat ay napahamak. 28 Gayundin naman ang nangyari sa mga araw ni Lot. Sila ay kumakain, sila ay umiinom, sila ay bumibili, sila ay nagtitinda, sila ay nagtatanim at sila ay nagtatayo. 29 Ngunit sa araw na si Lot ay lumabas mula sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at silang lahat ay napahamak. 30 Katulad ng mga ito ang mangyayari sa araw na ang Anak ng Tao ay inihahayag. 31 “Sa araw na iyon, siya na nasa bubungan at ang kaniyang mga ari-arian ay nasa loob ng bahay, huwag na siyang hayaang bumaba upang kunin ang mga ito. At siya na nasa bukid ay gayundin, huwag na siyang hayaang bumalik. 32 Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. 33 Kapag ang sinuman ay magnanais na ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, ngunit kapag ang sinuman na ang kaniyang buhay ay mawawala ay maiingatan ito. 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon ay may dalawang tao sa isang higaan, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan. 35 Dalawang babae ang naggigiling na magkasama sa isang lugar, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan. 36 Dalawang lalaki ang nasa bukid, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan.” 37 At sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Panginoon, saan?” Sinabi niya sa kanila, “Kung saan naroroon ang patay na katawan, doon matitipon ang mga buwitre.” Luke 215 At habang ang ilan ay nagsasabi patungkol sa templo, na ito ay pinalamutian na ng mga magagandang bato at mga ipinangakong kaloob, sinabi ni Jesus, 6 “Darating ang mga araw, na sa mga bagay na inyong nakikita ay walang maiiwanang bato na nakapatong sa bato na hindi mawawasak.” 7 At siya ay tinanong nila na sinasabi, “Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na ang mga bagay na ito ay malapit nang mangyari?” 8 Ngunit sinabi niya, “Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ‘ang panahon ay malapit na.’ Huwag nga kayong sumunod sa kanila. 9 Ngunit kapag kayo ay makarinig ng mga digmaan at kaguluhan, huwag kayong matatakot sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangan munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi kaagad mangyayari.” 10 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian. 11 Magkakaroon ng malakas na mga lindol sa iba't ibang dako, mga taggutom, mga salot, mga nakakatakot na pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit. 12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga ito, kayo ay susunggaban at kayo ay pagmamalupitan nila sa pagdadala sa inyo sa mga sinagoga at sa mga bilangguan at sa pagdadala sa inyo sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Ngunit ito ay magiging patotoo para sa inyo. 14 Kaya panatilihin ninyo sa inyong mga puso na huwag ninyong pag-iisipan ang pagtatanggol sa inyong sarili 15 sapagkat ako ay magbibigay sa inyo ng pananalita at karunungan na hindi mapapasinungalingan, ni matatanggihan ng lahat ng mga kumakalaban sa inyo. 16 At kayo rin ay ipagkakanulo ng mga magulang, ng mga kapatid na lalaki, ng mga kamag-anak at ng mga kaibigan. At ang ilan sa inyo ay kanilang papatayin. 17 At kayo ay kamumuhian ng lahat nang dahil sa aking pangalan. 18 Ngunit ang buhok sa inyong ulo ay hinding-hindi mawawala. 19 Angkinin ninyo ang inyong buhay sa inyong pagtitiis. 20 “At kapag makita ninyo na ang Jerusalem ay napapalibutan ng mga hukbo, alamin ninyo sa oras na iyon na ang kaniyang kapanglawan ay malapit na. 21 At sa oras na iyon, sila na nasa Judea ay hayaang tumakas patungo sa mga bundok at sila na nasa kalagitnaan nito ay hayaan nang lumabas at sila na nasa mga lupain ay huwag nang hayaang pumasok dito 22 sapagkat sa mga araw na ito ng paghihiganti ay magaganap ang lahat ng mga bagay na nasusulat. 23 Ngunit sa aba niyaong mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon sapagkat magkakaroon ng malaking kaguluhan sa lupa at poot sa bayang ito. 24 At sila ay babagsak sa talim ng tabak at ipapadalang mga bihag sa lahat ng mga bansa. At ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Gentil hanggang sa maganap ang kapanahunan ng mga Gentil. 25 “At magkakaroon ng mga tanda sa araw at sa buwan at sa mga bituin, at sa lupa ay kahapisan ng mga bansa na may pagkalito at ng malakas na ugong ng dagat at ng alon 26 habang ang mga tao ay panghihinaan ng loob dahil sa takot at sa pangamba sa mga darating sa buong sanlibutan sapagkat ang kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig. 27 At pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 Ngunit kapag magsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, tumindig kayo at itingala ninyo ang inyong mga ulo sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.” 29 Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila, “Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punongkahoy. 30 Kapag sila ay sumibol na, makikita ninyo at malalaman ninyo mismo na ang tag-init ay malapit na. 31 Gayundin naman kayo, kapag makita ninyo ang mga bagay na ito na nangyayari, alamin ninyo na ang paghahari ng Diyos ay malapit na. 32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa maganap ang lahat. 33 “Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman. 34 “Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili baka sa anumang oras ay bumigat ang inyong mga puso sa labis na kabusugan, kalasingan at pagkabalisa sa buhay na ito. At madatnan kayo ng Araw na iyon na hindi ninyo namamalayan, 35 sapagkat katulad sa bitag, ito ay darating sa kanilang lahat na nananahan sa buong sanlibutan. 36 Kaya magbantay kayo na sa bawat panahon ay nananalangin, upang kayo ay maging karapat-dapat na makaligtas sa lahat ng mga bagay na ito na malapit ng mangyari, at upang kayo ay makatayo sa harapan ng Anak ng Tao.” 37 Sa araw, si Jesus ay nagtuturo sa templo, ngunit sa gabi, siya ay lumalabas at nanatili sa bundok na tinatawag na bundok ng mga Olibo. 38 At ang lahat ng tao ay maagang pumupunta sa kaniya sa templo upang makinig. Mark 131 At habang si Jesus ay papalabas mula sa templo, isa sa kaniyang mga alagad ay nagsasabi sa kaniya, “Guro, narito, anong ganda ng mga bato at anong ganda ng mga gusali.” 2 At sumagot si Jesus na sinasabi sa kaniya, “Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? Wala ni isang bato ang matitira sa ibabaw ng isang bato na hinding-hindi mabubuwag.” 3 At habang si Jesus ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, palihim siyang tinanong nina Pedro, Santiago, Juan at Andres, 4 “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang tanda na ang lahat ng mga bagay na ito ay malapit nang maganap?” 5 At nang sumagot si Jesus sa kanila, nagsimula siyang magsabi, “Mag-ingat kayo na hindi kayo mailigaw ng sinuman 6 sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami. 7 At kapag makarinig kayo ng mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mangamba sapagkat kailangang mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas 8 dahil babangon ang bansa laban sa bansa at kaharian laban sa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa iba't ibang dako at magkakaroon ng mga taggutom at mga kaguluhan. Ito ang mga simula ng mga paghihirap. 9 “Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili sapagkat ibibigay nila kayo sa mga Sanhedrin at sa mga sinagoga. Kayo ay kanilang hahagupitin at dadalhin sa mga gobernador at sa mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila. 10 At ang ebanghelyo ay kailangang unang ipangaral sa lahat ng mga bansa. 11 Ngunit kapag kayo ay mahuhuli at dadalhin sa hukuman, huwag kayong mabalisa, ni mag-isip kung ano ang inyong sasabihin. Ngunit kung ano man ang maipagkaloob sa inyo sa sandaling iyon, iyon ang inyong sabihin sapagkat hindi kayo ang siyang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu. 12 At ang kapatid ay ipagkakanulo ng kapatid patungo sa kamatayan, ang ama sa anak. At ang mga anak ay maghihimagsik sa mga magulang at ipapapatay sila. 13 At kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit siya na nagtiis hanggang sa wakas, siya ay maliligtas. 14 “At kapag inyong makita ang ‘kasuklam-suklam na kapanglawan’ Dan 9:27; 11:31; 12:11 na nakatayo kung saan ito ay hindi dapat, sa panahong iyon, sila na nasa Judea ay hayaang tumakas patungo sa mga bundok. Ito ang nabanggit ni propeta Daniel,” (unawain ito ng bumabasa). 15 Ngunit siya na nasa bubungan ay huwag nang bumaba sa bahay, ni huwag nang pumasok upang kumuha ng anuman mula sa kaniyang bahay. 16 At siya na nasa bukid ay huwag nang balikan ang mga bagay na naiwan upang kumuha ng kaniyang kasuotan. 17 Ngunit sa aba nila na mga nagdadalang-tao at sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 18 Kaya manalangin kayo na huwag mangyari sa taglamig ang inyong pagtakas 19 sapagkat sa mga araw na iyon ay magkakaroon ng kahirapan. Ang ganito ay hindi pa nangyari mula sa simula ng paglikha ng Diyos hanggang sa ngayon, at ito ay hindi na mangyayari kailanman. 20 At maliban na ang Panginoon ang magpaikli ng mga araw, walang sinumang taong maliligtas. Ngunit dahil sa mga pinili na kaniyang pinili, pinaikli niya ang mga araw. 21 “At sa panahong iyon, kapag ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Narito, ang Cristo ay nandito!’ o, ‘Narito, siya ay nandoon!’ huwag kayong maniwala 22 sapagkat ang mga bulaang cristo at ang mga bulaang propeta ay lilitaw, at sila ay magbibigay ng mga tanda at kamangha-manghang mga gawa upang iligaw kung maaari kahit ang mga pinili. 23 Ngunit mag-ingat kayo. Narito, sinabi ko na sa inyo noong una pa ang lahat ng mga bagay. 24 “Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng paghihirap na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, 25 at ang mga bituin ng langit ay magbabagsakan, at ang mga kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig. 26 At kapag magkagayon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 At kapag magkagayon, susuguin niya ang kaniyang mga anghel at titipunin niya ang kaniyang mga pinili mula sa apat na hangin hanggang sa kadulu-duluhan ng langit. 28 “Kaya matuto kayo mula sa talinghaga ng puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay magiging sariwa at umuusbong na ang mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang tag-init. 29 Gayundin naman kayo, kapag makita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alamin ninyo na siya ay malapit na, nasa mga pintuan na. 30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito. 31 Ang langit at ang lupa ay lilipas, subalit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman. Matthew 241 At nang si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo. 2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo na walang maiiwanan dito kahit isang bato sa ibabaw ng bato na hindi babagsak.” 3 At habang siya ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya nang bukod, na sinasabi, “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang tanda ng iyong pagdating at katapusan ng kapanahunang ito?” 4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo, na hindi kayo mailigaw ng sinuman 5 sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami. 6 At magsisimula na kayong makarinig ng mga digmaan at ng mga balita ng mga digmaan. Masdan ninyo, huwag kayong mangamba sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari ngunit hindi pa ito ang wakas 7 sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. At magkakaroon ng mga taggutom at mga salot at mga lindol sa iba't ibang lugar. 8 Ngunit ang lahat ng mga ito ay simula ng mga paghihirap. 9 “Sa panahong iyon ay dadalhin nila kayo sa paghihirap at papatayin nila kayo at kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 10 At pagkatapos ay marami ang matitisod at ipagkakanulo nila ang isa't isa at kasusuklaman nila ang isa't isa. 11 At maraming bulaang propeta ang lilitaw at ililigaw ang marami. 12 At dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. 13 Ngunit siya na nagtiis hanggang sa wakas, siya ang maliligtas. 14 At itong ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay maipapahayag sa buong sanlibutan bilang patotoo sa lahat ng mga bansa at pagkatapos nito ay darating ang wakas. 15 “Kaya kapag makita ninyo ang ‘kasuklam-suklam na kapanglawan’ Dan 9:27 na nakatayo sa banal na dako na sinabi ni propeta Daniel,” (siya na nagbabasa, unawain niya ito), 16 “sa panahong iyon, sila na nasa Judea ay hayaang tumakas patungo sa kabundukan. 17 Siya na nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kumuha ng anuman mula sa kaniyang bahay. 18 At siya na nasa bukid ay huwag nang hayaang bumalik upang kumuha ng kaniyang mga damit. 19 At sa aba nila na mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 20 Ngunit manalangin kayo na ang inyong pagtakas ay huwag mangyari sa taglamig o sa araw ng Sabat 21 sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding paghihirap na hindi pa nangyari mula sa simula ng sanlibutan hanggang sa ngayon, hinding-hindi pa nangyari. 22 At kung hindi paikliin ang mga araw na iyon, walang sinumang tao ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga pinili, paiikliin ang mga araw na iyon. 23 “Kaya kung ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Narito, ang Cristo ay naririto’ o ‘Nandito,’ huwag ninyo itong paniwalaan 24 sapagkat may lilitaw na mga bulaang cristo at mga bulaang propeta at sila ay magpapakita ng mga dakilang tanda at mga makapangyarihang gawa upang iligaw kahit ang mga pinili kung maaari. 25 Narito, ipinagpauna ko na itong sabihin sa inyo. 26 “Kaya kapag sinabi nila sa inyo, ‘Narito, siya ay nasa ilang na dako,’ huwag kayong pupunta, ‘Narito, siya ay nasa silid,’ huwag ninyo itong paniwalaan, 27 sapagkat kung paanong ang kidlat ay lumalabas mula sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, magiging gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao 28 dahil kahit saan, kapag naroroon ang patay na katawan ay nagtitipon doon ang mga buwitre. 29 “At kaagad, pagkatapos ng matinding paghihirap sa mga araw na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag at ang mga bituin ay babagsak mula sa langit at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig. 30 At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit at pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng daigdig at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 31 At susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may trumpetang may malakas na tunog at kanilang titipunin ang kaniyang mga pinili mula sa apat na mga hangin, mula sa mga hangganan ng kalangitan hanggang sa mga hangganan nila. 32 “Ngunit unawain ninyo ang talinghaga mula sa puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay naging sariwa na at lumalabas ang mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang tag-init. 33 Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, nalalaman ninyo na siya ay malapit na, siya ay nasa pintuan na. 34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hinding-hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat ng mga bagay na ito. 35 Ang langit at ang lupa ay lilipas subalit ang aking mga salita ay hinding-hindi lilipas. 36 “Ngunit patungkol sa araw at sa oras na iyon ay walang sinumang nakakaalam kahit ang mga anghel sa kalangitan kundi ang aking Ama lamang. 37 Subalit katulad sa mga araw ni Noe ay gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao 38 sapagkat katulad ng mga araw bago ang baha, sila ay kumakain at umiinom, sila ay nag-aasawa at ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong 39 at hindi nila ito nalaman hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa oras na iyon ay dalawa ang nasa bukid, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan. 41 Dalawang babae ang naggigiling sa gilingang-bato, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan. |