20 Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo, ‘Ang alipin ay hindi higit kaysa sa kaniyang panginoon.’ Kung ako ay kanilang pinagmalupitan, pagmamalupitan din nila kayo. Kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang sa inyo.
Luke 11
49 Dahil dito, ang karunungan din ng Diyos ay nagsabi, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol. At ang ilan sa kanila ay kanilang papatayin at palalayasin’
Luke 21
12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga ito, kayo ay susunggaban at kayo ay pagmamalupitan nila sa pagdadala sa inyo sa mga sinagoga at sa mga bilangguan at sa pagdadala sa inyo sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.
Matthew 23
34 Dahil dito, narito, isinusugo ko sa inyo ang mga propeta, ang mga pantas na lalaki at ang mga eskriba. At ang ilan sa kanila ay inyong papatayin at inyong ipapako sa krus, at ang ilan sa kanila ay inyong hahagupitin sa inyong mga sinagoga at pagmamalupitan sa bawat lungsod,
Matthew 5
11 Pinagpala kayo kapag kayo ay hamakin, pagmamalupitan at pagwiwikaan nila ng lahat ng uri ng masamang pananalita na mga kasinungalingan laban sa inyo dahil sa akin.
Matthew 5
44 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, sabihan ninyo ng mabuti sila na nag-aalimura sa inyo, gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo, manalangin kayo para sa kapakanan ng mga umaalipusta sa inyo at ng mga nagmamalupit sa inyo