6 May lalaking isinugong mula sa Diyos na ang pangalan ay Juan.7 Siya ay pumarito bilang saksi upang magpatotoo patungkol sa Ilaw upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya.
Matthew 3
1 At sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na tagapagbawtismo na nangangaral sa ilang ng Judea,2 at nagsasabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”3 Sapagkat siya yaong ipinahayag ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang landas ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:34 At si Juan mismo ay may damit na yari sa mga balahibo ng kamelyo at may pamigkis na balat ng hayop sa kaniyang baywang. At ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulut-pukyutan.