1 Ito ang simula ng ebanghelyo patungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos2 tulad ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, “Narito, isinusugo ko ang aking sugo na nauuna sa iyo. Siya ang maghahanda ng iyong daraanan sa unahan mo.” Mal 3:13 “May tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:34 Si Juan na tagapagbawtismo ay dumating sa ilang upang ipangaral ang bawtismo ng pagsisisi dahil sa kapatawaran ng mga kasalanan.