Johannes Kastaja Mestasi
| Secondary Keywords | Bautista Jeesus Jeesus Juan kaibigan pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 97 At narinig ni Herodes na tetrarka ang lahat ng mga ginawa ni Jesus at siya ay naguluhan dahil sinasabi ng ilan na si Juan ay bumangon mula sa mga patay, 8 at ang ilan ay nagsabi na si Elias nagpakita, ang iba naman ay nagsabi na muling nabuhay ang isa sa mga propeta nang unang panahon. 9 At sinabi ni Herodes, “Pinugutan ko ng ulo si Juan. Ngunit sino ito, na naririnig ko ang mga bagay patungkol sa kaniya?” Kaya sinikap niya na makita si Jesus. Mark 614 Narinig ni Haring Herodes ang patungkol kay Jesus sapagkat naging tanyag na ang kaniyang pangalan, kaya sinabi niya, “Si Juan na tagapagbawtismo ay ibinangon mula sa mga patay at dahil dito, ang mga makapangyarihang gawa ay gumagana sa kaniya.” 15 Ang iba ay nagsasabi, “Siya ay si Elias.” Sinasabi naman ng iba, “Siya ay propeta o katulad ng isa sa mga propeta.” 16 Ngunit nang narinig ito ni Herodes, sinabi niya, “Ang taong ito ay si Juan, na pinugutan ko ng ulo, siya ay ibinangon mula sa mga patay.” 17 Dahil mismong si Herodes ang nagsugo at dumakip kay Juan at gumapos sa kaniya sa bilangguan alang-alang kay Herodias, na kaniyang pinakasalan, na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe. 18 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, “Hindi ipinahihintulot sa Kautusan na kunin mo ang asawa ng iyong kapatid.” 19 Kaya si Herodias ay nagkikimkim ng galit kay Juan at kaniyang hinahangad na siya ay patayin ngunit hindi niya ito makakaya 20 sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Dahil nalalaman niyang si Juan ay matuwid at banal na tao kaya siya ay binabantayan niya, at dahil nakinig siya kay Juan, maraming bagay siyang ginagawa at natutuwa siyang nakikinig sa kaniya. 21 At pagdating ng pagkakataon, nang si Herodes ay naghanda ng hapunan sa kaniyang kaarawan para sa kaniyang matataas na opisyal, mga pinunong kapitan at mga pangunahing mamamayan ng Galilea, 22 nang ang anak na babae ni Herodias ay pumasok at sumayaw, nasiyahan si Herodes at ang mga nakaupong kasama niya sa hapag-kainan. Kaya sinabi ng hari sa dalagita, “Hilingin mo sa akin ang anumang naisin mo at ibibigay ko sa iyo.” 23 At nanumpa siya sa dalagita, “Ibibigay ko ang anumang hilingin mo kahit kalahati ng aking kaharian.” 24 Kaya nang lumabas ang dalagita, tinanong niya ang kaniyang ina, “Ano ang hihilingin ko?” At sinabi ng ina, “Ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo.” 25 At kaagad pumasok na may pagmamadali ang dalagita sa kinaroroonan ng hari at humiling na nagsasabi, “Ibig kong maibigay mo kaagad sa akin ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo na nakalagay sa bandehado.” 26 Kaya ang hari ay lubhang nagdalamhati, ngunit dahil sa kaniyang mga pinanumpaang pangako at sa mga panauhin, siya ay hindi niya matanggihan. 27 At isinugo kaagad ng hari ang kaniyang pansariling tagapugot at inutusan na dalhin sa kaniya ang ulo ni Juan. Kaya pagkaalis niya, pinugutan niya ng ulo si Juan doon sa bilangguan 28 at dinala ang kaniyang ulo na nasa bandehado at ibinigay ito sa dalagita at ibinigay naman ito ng dalagita sa kaniyang ina. 29 Nang narinig ito ng kaniyang mga alagad, pumunta sila roon at kinuha ang kaniyang bangkay at inilagak nila ito sa libingan. Matthew 141 Sa panahong iyon ay narinig ni Herodes na tetrarka ang katanyagan ni Jesus. 2 At sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na tagapagbawtismo. Siya ay muling bumangon mula sa mga patay at dahil dito, ang mga makapangyarihang gawa ay gumagawa sa pamamagitan niya.” 3 Sapagkat si Herodes ang dumakip kay Juan at gumapos sa kaniya at nagdala sa bilangguan alang-alang kay Herodias na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe, 4 dahil si Juan ang nagsabi sa kaniya, “Hindi ipinapahintulot na angkinin mo siya.” 5 Bagamat ninanais niya na ipapatay si Juan, siya ay natakot sa napakaraming tao sapagkat siya ay ibinilang nila na isang propeta. 6 Ngunit nang naganap ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa kalagitnaan at pinasaya si Herodes. 7 Kaya siya ay nagpahayag ng pangako na ibibigay sa kaniya ang anumang hihilingin niya. 8 At sa paghudyat ng kaniyang ina ay kaniyang sinabi, “Ipagkaloob mo sa akin dito ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo na nakapatong sa bandehado.” 9 Nagdalamhati ang hari, ngunit dahil sa kaniyang mga pangako at sa mga nakadulog sa hapag-kainan, iniutos niya na maibigay ito. 10 Kaya siya ay nagsugo at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11 At ang kaniyang ulo ay dinala na nakapatong sa bandehado at ibinigay sa dalaga at kaniyang dinala ito sa kaniyang ina. 12 At ang mga alagad ni Juan ay dumating at kinuha ang kaniyang katawan at inilibing ito. Pagkatapos ay pumaroon sila at ibinalita kay Jesus. |