Johannes Kastaja
| Secondary Keywords | Bautista Jeesus Jeesus Juan kaibigan pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 115 Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siya ang aking sinasabi, ‘Ang paparitong kasunod ko ay higit kaysa akin sapagkat siya ay una sa akin.’ ” 16 At mula sa kaniyang kapuspusan, tayong lahat ay tumanggap din ng tuluy-tuloy na biyaya, 17 sapagkat ang Kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang siyang naghayag sa kaniya. 19 Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga pinuno ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem upang tanungin siya, “Sino ka?” 20 Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat, “Hindi ako ang Cristo.” 21 Siya ay tinanong nila, “Sino ka ba talaga? Ikaw ba si Elias?” Sinabi niya, “Hindi ako.” “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.” 22 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Sino ka ba talaga? Sabihin mo sa amin nang sa gayon ay maibigay namin ang sagot sa nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo patungkol sa iyong sarili?” 23 Sinabi niya, “Ako ‘yaong tinig na sumisigaw sa ilang. “Tuwirin ninyo ang landas ng Panginoon” ’ Isa 40:3 katulad ng sinabi ni Isaias na propeta.” 24 Sila na mga isinugo ay nagmula sa mga Fariseo. 25 Siya ay tinanong nila at sinabi sa kaniya, “Kung gayon, bakit ka nagbabawtismo yamang hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?” 26 Sumagot si Juan sa kanila na sinasabi, “Ako ay nagbabawtismo sa tubig, ngunit may isang nakatayo sa inyong kalagitnaan na hindi ninyo kinikilala. 27 Siya ang pumaparitong kasunod ko na higit kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.” 28 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Betabara, sa ibayo ng Jordan na pinagbabawtismuhan ni Juan. 29 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan! 30 Siya ang aking tinutukoy, ‘Ang paparitong kasunod ko ay isang lalaking higit kaysa sa akin sapagkat siya ay una sa akin.’ 31 Hindi ko siya kilala, ngunit ako ay naparitong nagbabawtismo sa tubig upang maihayag siya sa Israel.” 32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya. 33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’ 34 Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.” John 322 Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea at nanatili siya roon kasama nila at nagbawtismo. |