19 Ngunit si Herodes na tetrarka, dahil sinaway siya ni Juan patungkol kay Herodias na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe at patungkol sa lahat ng mga kasamaang ginawa ni Herodes,20 ay idinagdag pa ito sa lahat, nang si Juan ay kaniyang ipinabilanggo.
Mark 6
17 Dahil mismong si Herodes ang nagsugo at dumakip kay Juan at gumapos sa kaniya sa bilangguan alang-alang kay Herodias, na kaniyang pinakasalan, na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe.18 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, “Hindi ipinahihintulot sa Kautusan na kunin mo ang asawa ng iyong kapatid.”19 Kaya si Herodias ay nagkikimkim ng galit kay Juan at kaniyang hinahangad na siya ay patayin ngunit hindi niya ito makakaya20 sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Dahil nalalaman niyang si Juan ay matuwid at banal na tao kaya siya ay binabantayan niya, at dahil nakinig siya kay Juan, maraming bagay siyang ginagawa at natutuwa siyang nakikinig sa kaniya.
Matthew 14
3 Sapagkat si Herodes ang dumakip kay Juan at gumapos sa kaniya at nagdala sa bilangguan alang-alang kay Herodias na asawa ng kaniyang kapatid na si Felipe,4 dahil si Juan ang nagsabi sa kaniya, “Hindi ipinapahintulot na angkinin mo siya.”5 Bagamat ninanais niya na ipapatay si Juan, siya ay natakot sa napakaraming tao sapagkat siya ay ibinilang nila na isang propeta.
Matthew 4
12 Ngunit nang narinig ni Jesus na si Juan ay nabilanggo, siya ay umalis patungo sa Galilea.