29 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan!
John 1
29 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan!30 Siya ang aking tinutukoy, ‘Ang paparitong kasunod ko ay isang lalaking higit kaysa sa akin sapagkat siya ay una sa akin.’31 Hindi ko siya kilala, ngunit ako ay naparitong nagbabawtismo sa tubig upang maihayag siya sa Israel.”32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya.33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’34 Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.”
Matthew 11
4 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at ibalita ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong naririnig at nakikita: