20 Ngunit habang kaniyang pinag-iisipan ang mga ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip na sinasabi, “Jose na anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang kaniyang pinagdadalang-tao ay mula sa Banal na Espiritu.
Matthew 2
13 Nang sila ay nakauwi na, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip na nagsasabi, “Bumangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Egipto. Manatili ka roon hanggang sa sabihin ko sa iyo sapagkat binabalak na ipahanap ni Herodes ang bata upang siya ay patayin.”
Matthew 2
19 Ngunit nang namatay na si Herodes, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa Egipto sa pamamagitan ng panaginip,