Iloa taivaassa
| Avainsanat | taivaallinen taivas walang hanggan |
|---|---|
| Secondary Keywords | Amerikano anghel Aprikano at nakangiting buhay etninen henkilö hymy hymy hymy hymy hymy hymy Hyvää Ihmiset ihmiset iloa iloinen iloinen itim Jerusalem Joulu Julkkis kabanalan Kruunu kunniaa ligtas lintu lintu Loistava lungsod Lupaus lupaa Maan maa magalak Mies Nainen nainen Naiset naiset natutuwa Onnea onnellinen Onnea onnellisuudesta pagdating paghaluin paraiso Puhdasta Puku Pyhä Rauha rauha rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan Säästäminen säteilevä tuwang-tuwa Uusi uusi uusi valkoinen valkoinen valkoinen Zion |
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 61 At nakita ko nang binuksan ng Kordero ang isa sa mga selyo at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na nagsasabi katulad ng tunog ng kulog, “Halika at pagmasdan mo.” 2 At nakita ko, narito, ang isang kabayong puti at yaong nakaupo sa kaniya na may isang busog at siya ay binigyan ng isang putong at siya ay humayo na nanlulupig at upang siya ay manlupig. 3 At nang binuksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na nagsasabi, “Halika at pagmasdan mo.” 4 At lumabas ang isang kabayong pula at yaong nakaupo sa kaniya ay binigyan ng kapangyarihan upang alisin ang kapayapaan sa lupa at upang sila ay magpatayan sa isa't isa, at siya ay binigyan ng isang malaking tabak. 5 At nang binuksan ng Kordero ang ikatlong selyo, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na nagsasabi, “Halika at pagmasdan mo.” At nakita ko, narito, ang isang kabayong itim at yaong nakaupo sa kaniya ay nagtataglay ng timbangan sa kaniyang kamay. 6 At narinig ko ang isang tinig sa kalagitnaan ng apat na buhay na nilalang na nagsasabi, “Ang isang takal° ng trigo ay kasing-halaga ng isang denaryo° at ang tatlong takal na sebada ay kasing-halaga ng isang denaryo at ang langis at alak ay huwag mong galawin.” 7 At nang binuksan ng Kordero ang ikaapat na selyo, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buhay na nilalang na nagsasabi, “Halika at pagmasdan mo.” 8 At nakita ko, narito, ang isang kabayong maputla at ang pangalan niyaong nakaupo sa kaniya ay Kamatayan, at ang Hades ay sumusunod sa kaniya, at sila ay binigyan ng kapangyarihan upang patayin ang higit sa ikaapat na bahagi ng mga nasa lupa sa pamamagitan ng tabak at ng gutom at ng salot at sa pamamagitan ng mababangis na hayop ng lupa. 9 At nang binuksan ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga taong pinatay dahil sa Salita ng Diyos at dahil sa patotoo na kanilang tinaglay. 10 At sila ay sumisigaw sa pamamagitan ng malakas na tinig na sinasabi, “O Panginoong banal at totoo, gaano pa katagal na hindi mo hinahatulan at ipinaghihiganti ang aming dugo sa mga naninirahan sa lupa?” 11 At ang mapuputing kasuotan ay ibinigay sa bawat isa sa kanila at sinabi sa kanila na magpahinga muna sila ng kaunting panahon hanggang sa maganap ang malapit nang pagpatay sa kanilang mga kapwa alipin at sa kanilang mga kapatid katulad din ng pagpatay sa kanila. 12 At nakita ko nang binuksan ng Kordero ang ikaanim na selyo, narito, naganap ang isang malakas na pagyanig at ang araw ay naging maitim katulad ng mabalahibong kasuotang sako at ang buwan ay naging katulad ng dugo. 13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa katulad ng pagkahulog ng mga bubot na bunga ng puno ng igos kung inuuga dahil sa napakalakas na hangin. 14 Ang kalangitan ay nawala katulad ng paglululon ng isang balumbon at ang bawat bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinalalagyan. 15 At ang mga hari sa lupa, ang mga dakilang tao, ang mayayaman, ang mga pinunong kapitan, ang mga makapangyarihan, ang bawat alipin at bawat malaya ay itinago ang kanilang mga sarili sa mga yungib at sa malalaking bato sa kabundukan, 16 at sinabi nila sa kabundukan at sa malalaking bato, “Bumagsak kayo sa amin at itago ninyo kami mula sa mukha niyaong nakaupo sa trono at mula sa poot ng Kordero. 17 Sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kaniyang poot at sino ang makakayang makatagal?” Revelation 71 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig na pinipigil ang apat na hangin ng daigdig upang walang hanging iihip sa lupa o sa dagat o sa anumang punongkahoy. 2 At nakita ko ang isa pang anghel na pumapaitaas mula sa sinisikatan ng araw na tinataglay ang tatak ng Diyos na buhay. At siya ay sumigaw sa pamamagitan ng malakas na tinig sa apat na anghel na sa kanila ay ibinigay ang kapangyarihan upang pinsalain ang lupa at ang dagat, 3 na sinasabi, “Huwag ninyong pinsalain ang lupa, o ang dagat, o ang mga punongkahoy hanggang sa aming matatakan ang mga alipin ng aming Diyos sa kanilang mga noo.” 4 At narinig ko ang bilang niyaong mga natatakan, at may isandaan apatnapu't apat na libo yaong mga natatakan mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel: 5 labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Juda, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Ruben, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Gad, 6 labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Aser, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Neftali, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Manases, 7 labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Simeon, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Levi, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Isacar, 8 labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Zebulon, labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Jose at labindalawang libo ang natatakan mula sa lipi ni Benjamin. 9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko, at narito, ang lubhang napakaraming tao na walang sinumang makakabilang sa kanila ay nakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero. Sila ay nagmula sa bawat bansa at mga lipi at mga wika, at sila ay nadaramtan ng mapuputing damit at may mga palaspas sa kanilang mga kamay. 10 At sila ay sumisigaw sa pamamagitan ng malakas na tinig na sinasabi, “Ang kaligtasan ay sa aming Diyos na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero!” 11 At ang lahat ng mga anghel ay tumayo sa palibot ng trono at ng matatanda at ng apat na buhay na nilalang, at sila ay nagpatirapa sa harapan ng trono at sila ay sumamba sa Diyos, 12 na sinasabi, “Siya nawa! Ang kapurihan at ang kaluwalhatian at ang karunungan at ang pasasalamat at ang karangalan at ang kapangyarihan at ang kalakasan ay sa ating Diyos magpakailan pa man. Siya nawa.” 13 At isa sa matatanda ang sumagot na nagsasabi sa akin, “Sino ang mga taong ito na nakasuot ng mapuputing damit? Saan sila nanggaling?” 14 At sinabi ko sa kaniya, “Ginoo, ikaw ang nakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Ang mga ito yaong nanggaling mula sa matinding paghihirap at nilabhan nila ang kanilang mga damit at pinaputi nila ang mga ito sa pamamagitan ng dugo ng kordero. 15 Dahil dito, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos at sila ay naglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang banal na dako ng templo, at siya na nakaupo sa trono ay mananahang kasama nila. 16 Sila ay hindi na magugutom pa at sila ay hindi na mauuhaw pa at wala ng araw na sisikat sa kanila at ng anumang init 17 sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang mangangalaga sa kanila at magpapatnubay sa kanila sa mga buhay na bukal ng tubig, at papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.” |








