Lame Man parantunut
| Secondary Keywords | bahaw Helvetti Jerusalem Juan kasaysayan Mies pahimakas Peter pilay simbahan Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 31 Sina Pedro at Juan ay magkasamang umahon sa templo sa oras ng pananalangin nang ikasiyam na oras. 2 At may isang lalaking lumpo mula pa sa sinapupunan ng kaniyang ina, na kinasanayan nilang buhatin at ilagay araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda upang humiling ng limos mula sa mga pumapasok sa templo. 3 Nang nakita niya sina Pedro at Juan na papasok na sa templo, siya ay humingi ng limos. 4 Ngunit si Pedro, na kasama si Juan, nang siya ay tumitig sa kaniya ay nagsabi, “Tumingin ka sa amin.” 5 Kaya sila ay kaniyang binigyang pansin sa pag-asang siya ay tatanggap ng anumang bagay mula sa kanila. 6 Gayunpaman, sinabi ni Pedro, “Wala akong tinataglay na pilak at ginto, ngunit anuman ang nasa akin, ito ang ibinibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, tumindig ka at lumakad ka.” 7 At nang hinawakan nila ang kaniyang kanang kamay, siya ay tumindig at kaagad lumakas ang kaniyang mga paa at mga bukung-bukong. 8 Kaya siya ay paluksong tumayo at naglakad at pumasok sa templo na kasama nila, at siya ay lumakad-lakad, lumukso-lukso at nagpupuri sa Diyos. 9 At ang lahat ng tao ay nakita siyang naglalakad at nagpupuri sa Diyos. 10 Siya ay nakilala nila na siya yaong umuupo para sa limos sa Tarangkahang Maganda ng templo. Kaya sila ay lubos na namangha at labis na nagtaka sa nangyari sa kaniya. 11 Habang nakahawak kay Pedro at Juan ang lalaking lumpo na pinagaling, ang lahat ng tao na labis na namangha ay sama-samang tumakbo patungo sa kanila sa portiko na tinatawag na kay Solomon. 12 Nang nakita ito ni Pedro, siya ay sumagot sa mga tao, “Mga lalaking taga-Israel, bakit kayo namamangha sa bagay na ito? Bakit ninyo kami tinititigan na parang dahil sa aming kapangyarihan o pagiging makadiyos ay nakapaglakad ang lalaking ito? 13 Ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, ang Diyos ng mga ninuno natin ay lumuwalhati sa kaniyang Anak na si Jesus, siya na inyong tinanggihan at inyong ipinagkaila sa harapan ni Pilato na pinasiyahan niyang palayain. 14 Subalit tinanggihan ninyo ang Banal at Matuwid at hiniling ninyo na ibigay sa inyo ang lalaking mamamatay-tao. 15 Pinatay ninyo ang May-akda ng buhay, na ibinangon ng Diyos mula sa mga patay. Kami ay mga saksi sa pangyayaring ito. 16 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan, pinalakas ang lalaking ito na inyong nakikita at inyong kilala na. At sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus at pananampalataya sa kaniya, binigyan ng lubos na kagalingan ang lalaking ito na nasa harapan ninyong lahat. 17 “At ngayon, mga kapatid, alam kong ginawa ninyo ito dahil sa kawalang-kaalaman katulad din ng inyong mga pinuno. 18 Ngunit ang Diyos, na unang naghayag ng mga bagay sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta na ang Cristo ay dapat magdusa, sa gayong paraan ay kaniyang tinupad. 19 Kaya nga, magsisi kayo at manumbalik kayo upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang dumating ang mga panahon ng pananariwa mula sa harapan ng Panginoon, 20 at maisugo si Jesu-Cristo na noong una pa ay naipangaral na sa inyo. 21 Siya nga ang dapat na tanggapin ng langit hanggang sa panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng kaniyang mga banal na propeta mula noong una. 22 Sapagkat tunay na sinabi ni Moises sa ating mga ninuno, ‘Ang inyong Panginoong Diyos ay magtitindig sa inyo ng propeta na katulad ko mula sa inyong mga kapatid. Siya ang inyong pakikinggan sa lahat ng mga bagay na kaniyang sasabihin sa inyo. 23 At mangyayari na ang bawat kaluluwa na hindi makikinig sa propetang iyon ay malilipol mula sa mga tao.’ Deu 18:15, 18, 19 24 At ang lahat ng mga propeta simula kay Samuel at sa kanila na mga sumunod, silang lahat na nagsalita ay nagpahayag din patungkol sa mga araw na ito. 25 Kayo ang mga anak ng mga propeta at ng tipan na itinipan mismo ng Diyos sa ating mga ninuno na nagsasabi kay Abraham, ‘At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga lahi sa lupa.’ Gen 22:18; 26:4 26 Sa inyo una, nang itinindig ng Diyos ang kaniyang Anak na si Jesus, siya ay isinugo upang pagpalain kayo sa pagtatalikod ng bawat isa mula sa kaniyang mga kasamaan.” |








