3 Pagsikapan ninyong panatilihin ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan.4 Mayroong isang katawan at isang Espiritu kung paanong tinawag din kayo sa isang pag-asa ng inyong pagkatawag,5 isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bawtismo,6 isang Diyos at Ama ng lahat na nakahihigit sa lahat at sumasa lahat at nasa inyong lahat.7 Ngunit ang bawat isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo.8 Kaya nga, sinabi niya, “Nang umakyat siya sa itaas, kinuha niya mula sa pagkabihag ang mga bihag at nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.” Awi 68:18