12 At ibinuhos ng pang-anim na anghel ang kaniyang mangkok sa dakilang ilog ng Eufrates at ang tubig nito ay natuyo upang maihanda ang daan ng mga haring mula kung saan sumisikat ang araw.13 At nakita ko ang tatlong karumal-dumal na espiritu na katulad ng mga palaka mula sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng mabangis na hayop at mula sa bibig ng bulaang propeta,14 sapagkat sila ang mga espiritu ng mga demonyo, na gumagawa ng mga tanda, na lumabas patungo sa mga hari ng daigdig at ng buong sanlibutan upang sila ay tipuning sama-sama para sa digmaan ng dakilang araw na iyon ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.15 “Narito, ako ay dumarating katulad ng isang magnanakaw. Pinagpala siya na nagbabantay at nag-iingat ng kaniyang mga damit upang siya ay hindi lalakad na hubad at makikita nila ang kaniyang kahihiyan.”16 At sila ay kaniyang tinipong sama-sama sa dakong tinatawag na Armagedon sa wikang Hebreo.