23 Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinigay sa inyo. Dahil ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay,24 at nang siya ay nakapagpasalamat, ito ay kaniyang pinagputul-putol, at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol alang-alang sa inyo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin.”25 At sa gayunding paraan kinuha niya ang saro, pagkatapos makapaghapunan, na sinasabi, “Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin tuwing kayo ay iinom nito.”26 Sapagkat tuwing kayo ay kakain ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya ay dumating.27 Kung kaya ang sinumang kakain ng tinapay na ito at iinom sa saro ng Panginoon na hindi karapat-dapat ay magiging may sala sa katawan at dugo ng Panginoon.28 Kaya suriin ng tao ang kaniyang sarili at pagkatapos ay hayaan siyang kumain ng tinapay at uminom sa saro