Lazaro
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus kaibigan pahimakas pulubi Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 11:1-54 |
John 111 Mayroong isang lalaking maysakit na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay taga-Betania na nayon nina Maria at ng kaniyang kapatid na si Marta.2 Si Maria, na siyang nagpahid ng pabangong langis sa Panginoon at nagpunas ng kaniyang buhok sa mga paa ng Panginoon, ay kapatid ni Lazaro na maysakit.3 Ang mga kapatid na babae ni Lazaro ay nagsugo patungo sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, narito, siya na iyong minamahal ay maysakit.”4 Nang narinig ito ni Jesus, sinabi niya, “Ang karamdamang ito ay hindi sa kamatayan kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos upang ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito.”5 Si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro ay iniibig ni Jesus.6 Kaya nang narinig niyang maysakit si Lazaro, nanatili pa nga siya ng dalawang araw sa pook na kaniyang kinaroroonan.7 Pagkatapos nga nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Pumunta tayong muli sa Judea.”8 Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Rabbi, sa ngayon, ang mga Judio ay naghahanap ng pagkakataon upang ikaw ay batuhin. Babalik ka bang muli roon?”9 Sumagot si Jesus, “Hindi ba may labindalawang oras sa maghapon? Kung ang sinuman ay naglalakad kapag araw, siya ay hindi natitisod dahil nakikita niya ang liwanag ng sanlibutang ito.10 Ngunit ang sinumang naglalakad kapag gabi ay natitisod dahil wala sa kaniya ang liwanag.”11 Ang mga bagay na ito ay sinabi niya, at pagkatapos nito ay sinabi niya sa kanila, “Ang ating kaibigang si Lazaro ay natutulog gayunpaman pupunta ako upang gisingin siya mula sa pagkatulog.”12 Kaya sinabi ng kaniyang mga alagad, “Panginoon, kung siya ay natutulog, gagaling siya.”13 Subalit ang sinabi ni Jesus ay ang patungkol sa kaniyang kamatayan, ngunit inakala nila na ang sinabi ni Jesus ay patungkol sa paghimlay sa pagtulog.14 Kaya nga, tuwirang sinabi ni Jesus sa kanila, “Si Lazaro ay patay na.15 Ngunit ako ay nagagalak alang-alang sa inyo dahil ako ay wala roon upang kayo ay sumampalataya, gayunpaman, puntahan natin siya.”16 Si Tomas, na tinatawag na Kambal, ay nagsabi nga sa kaniyang mga kapwa alagad, “Pumunta rin tayo upang mamatay tayong kasama niya.”17 Kaya pagdating ni Jesus ay natagpuan niyang apat na araw nang nasa libingan si Lazaro.18 Ang Betania ay malapit sa Jerusalem na may layong humigit-kumulang na labinlimang estadya°.19 Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria upang damayan sila dahil sa kanilang kapatid.20 Pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, siya ay kaniyang sinalubong, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo sa loob ng bahay.21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung naririto ka, hindi namatay ang aking kapatid,22 ngunit alam ko na kahit ngayon, anuman ang hihilingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.”23 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang iyong kapatid ay muling babangon.”24 Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na siya ay muling babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.”25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagaman siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay.26 Ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hinding-hindi mamamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?”27 Sinabi niya sa kaniya, “Oo, Panginoon, ako ay sumasampalataya na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan.”28 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay umalis at tinawag ng palihim ang kaniyang kapatid na si Maria at sinabi, “Ang Guro ay dumating at ipinapatawag ka.”29 Pagkarinig niya nito ay tumindig siya kaagad at pumunta sa kaniya,30 ngunit hindi pa nakarating si Jesus sa nayon kundi nasa dako pa lang kung saan siya sinalubong ni Marta.31 Ang mga Judio, na kasama niya sa bahay at umaaliw sa kaniya, ay sumunod sa kaniya nang nakita nila si Maria na dali-dali siyang tumindig at lumabas. Kanilang sinabi, “Siya ay pupunta sa libingan upang doon tumangis.”32 Dumating nga si Maria sa kinaroroonan ni Jesus. Nang nakita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan at sinabi kaniya, “Panginoon, kung naririto ka, hindi namatay ang aking kapatid.”33 Nang nakita nga ni Jesus ang kaniyang pagtangis at ang pagtangis ng mga Judio na sumama sa kaniya, siya ay namighati sa espiritu at siya mismo ay nabagabag.34 Sinabi niya, “Saan na ninyo siya inilagay?” Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, halika at tingnan mo.”35 Si Jesus ay tumangis.36 Kaya sinabi ng mga Judio, “Masdan kung gaano siya kamahal ni Jesus.”37 Sinabi ng ilan sa kanila, “Hindi ba ang taong ito ang nakakapagpamulat ng mga mata ng bulag at makakagawa upang hindi namatay ang taong ito?”38 Kaya si Jesus, na muling namighati ang kalooban, ay pumunta sa libingan. Ito ay yungib at natatakpan ng bato.39 Sinabi ni Jesus, “Alisin ninyo ang bato.” Si Marta, na kapatid ng namatay, ay nagsabi sa kaniya, “Panginoon, sa ngayon ay nangangamoy na siya sapagkat apat na araw na siyang patay.”40 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”41 Inalis nga nila ang bato sa pinaglagyan ng patay. Itiningala ni Jesus ang kaniyang mga paningin at sinabi, “Ama, pinapasalamatan kita sapagkat ako ay dininig mo.42 Alam ko na ako ay palagi mong dinirinig, ngunit alang-alang sa mga taong nakatayo sa paligid, sinabi ko ito upang sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.”43 Pagkasabi niya ng mga ito, sumigaw siya na may malakas na tinig, “Lazaro, lumabas ka!”44 At lumabas ang namatay na natatalian ng telang panlibing ang mga kamay at mga paa at nababalot ng panyo ang kaniyang mukha. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kalagan ninyo siya at hayaan ninyo siyang yumaon.”45 Kaya marami sa mga Judio, na pumunta kay Maria at nakamasid sa mga bagay na ginawa ni Jesus, ang sumampalataya sa kaniya.46 Ngunit ang ilan sa kanila ay pumunta sa mga Fariseo at sinabi sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.47 Kaya ang mga punong saserdote at mga Fariseo ay nagtipon sa Sanhedrin at sinabi nila, “Ano ang ating gagawin sapagkat ang taong ito ay gumagawa ng maraming mga tanda?48 Kapag pababayaan natin siyang ganito, ang lahat ay sasampalataya sa kaniya at darating ang mga taga-Roma at aagawin nila ang ating lugar at bansa.”49 Ang isa sa kanila, si Caifas, bilang pinakapunong saserdote nang taon na iyon, ay nagsabi sa kanila, “Wala kayong naunawaan,50 ni hindi ninyo masusing pinag-isipan na makakabuti sa atin na ang isang tao ay mamatay alang-alang sa mga tao upang ang buong bansa ay hindi mapahamak.”51 Ngunit hindi niya ito sinabi mula sa kaniyang sarili, sa halip, bilang pinakapunong saserdote nang taon na iyon ay ipinahayag niya na si Jesus ay mamamatay alang-alang sa bansa52 at hindi lamang alang-alang sa bansang iyon kundi upang matipon na maging isa ang mga nagsipangalat na mga anak ng Diyos.53 Mula nga sa araw na iyon, sila ay sumangguni sa isa't isa upang siya ay mapatay.54 Kaya si Jesus ay hindi na lumakad nang hayagan sa gitna ng mga Judio, sa halip, mula roon ay pumunta siya sa lupain malapit sa ilang sa lungsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama ang kaniyang mga alagad. | |








