Rukouksen opetukset
| Secondary Keywords | buwis Jeesus Jeesus kolektor pahimakas panalangin pariseo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 18:9-14 |
Luke 189 At sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila na nagtiwala sa kanilang sarili na sila ay matuwid at ang iba ay hinahamak nila.10 “Dalawang lalaki ang umahon sa templo upang manalangin. Ang isa ay Fariseo at ang isa ay maniningil ng buwis.11 Tumayo ang Fariseo at nanalangin siya sa kaniyang sarili ng ganito, ‘Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo na hindi ako katulad ng ibang tao na mga mapangamkam, mga hindi matuwid at mga mangangalunya. At hindi rin ako katulad ng maniningil ng buwis na ito.12 Ako ay dalawang ulit na nag-aayuno sa isang linggo. Ako ay nagbibigay ng ikapu sa lahat ng anumang aking kinikita.’13 Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay hindi man niya ninanais na itaas ang kaniyang paningin sa langit, sa halip ay kaniyang dinadagukan ang kaniyang dibdib na nagsasabi, ‘Diyos, kahabagan mo ako na isang makasalanan.’14 Sinasabi ko sa inyo, ang taong ito ay umuwi sa kaniyang bahay na pinawalang-sala kaysa sa isang iyon, dahil ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang bawat isang nagpapakumbaba ay itataas.” | |








