Oppitunnit vuorella
| Secondary Keywords | alagad Jeesus Jeesus Kiven kivi manghula Merkkejä opetuksen opettamista pagdurusa pagkasuklam sakyan templo tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho tuho |
|---|---|
| Tertiary Keywords | lagim |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 24:1-51 Matthew 25:1-46 |
Matthew 241 At nang si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo na walang maiiwanan dito kahit isang bato sa ibabaw ng bato na hindi babagsak.”3 At habang siya ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya nang bukod, na sinasabi, “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang tanda ng iyong pagdating at katapusan ng kapanahunang ito?”4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo, na hindi kayo mailigaw ng sinuman5 sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami.6 At magsisimula na kayong makarinig ng mga digmaan at ng mga balita ng mga digmaan. Masdan ninyo, huwag kayong mangamba sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari ngunit hindi pa ito ang wakas7 sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. At magkakaroon ng mga taggutom at mga salot at mga lindol sa iba't ibang lugar.8 Ngunit ang lahat ng mga ito ay simula ng mga paghihirap.9 “Sa panahong iyon ay dadalhin nila kayo sa paghihirap at papatayin nila kayo at kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.10 At pagkatapos ay marami ang matitisod at ipagkakanulo nila ang isa't isa at kasusuklaman nila ang isa't isa.11 At maraming bulaang propeta ang lilitaw at ililigaw ang marami.12 At dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig.13 Ngunit siya na nagtiis hanggang sa wakas, siya ang maliligtas.14 At itong ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay maipapahayag sa buong sanlibutan bilang patotoo sa lahat ng mga bansa at pagkatapos nito ay darating ang wakas.15 “Kaya kapag makita ninyo ang ‘kasuklam-suklam na kapanglawan’ Dan 9:27 na nakatayo sa banal na dako na sinabi ni propeta Daniel,” (siya na nagbabasa, unawain niya ito),16 “sa panahong iyon, sila na nasa Judea ay hayaang tumakas patungo sa kabundukan.17 Siya na nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kumuha ng anuman mula sa kaniyang bahay.18 At siya na nasa bukid ay huwag nang hayaang bumalik upang kumuha ng kaniyang mga damit.19 At sa aba nila na mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon.20 Ngunit manalangin kayo na ang inyong pagtakas ay huwag mangyari sa taglamig o sa araw ng Sabat21 sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding paghihirap na hindi pa nangyari mula sa simula ng sanlibutan hanggang sa ngayon, hinding-hindi pa nangyari.22 At kung hindi paikliin ang mga araw na iyon, walang sinumang tao ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga pinili, paiikliin ang mga araw na iyon.23 “Kaya kung ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Narito, ang Cristo ay naririto’ o ‘Nandito,’ huwag ninyo itong paniwalaan24 sapagkat may lilitaw na mga bulaang cristo at mga bulaang propeta at sila ay magpapakita ng mga dakilang tanda at mga makapangyarihang gawa upang iligaw kahit ang mga pinili kung maaari.25 Narito, ipinagpauna ko na itong sabihin sa inyo.26 “Kaya kapag sinabi nila sa inyo, ‘Narito, siya ay nasa ilang na dako,’ huwag kayong pupunta, ‘Narito, siya ay nasa silid,’ huwag ninyo itong paniwalaan,27 sapagkat kung paanong ang kidlat ay lumalabas mula sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, magiging gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao28 dahil kahit saan, kapag naroroon ang patay na katawan ay nagtitipon doon ang mga buwitre.29 “At kaagad, pagkatapos ng matinding paghihirap sa mga araw na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag at ang mga bituin ay babagsak mula sa langit at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.30 At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit at pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng daigdig at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.31 At susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may trumpetang may malakas na tunog at kanilang titipunin ang kaniyang mga pinili mula sa apat na mga hangin, mula sa mga hangganan ng kalangitan hanggang sa mga hangganan nila.32 “Ngunit unawain ninyo ang talinghaga mula sa puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay naging sariwa na at lumalabas ang mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang tag-init.33 Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, nalalaman ninyo na siya ay malapit na, siya ay nasa pintuan na.34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hinding-hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat ng mga bagay na ito.35 Ang langit at ang lupa ay lilipas subalit ang aking mga salita ay hinding-hindi lilipas.36 “Ngunit patungkol sa araw at sa oras na iyon ay walang sinumang nakakaalam kahit ang mga anghel sa kalangitan kundi ang aking Ama lamang.37 Subalit katulad sa mga araw ni Noe ay gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao38 sapagkat katulad ng mga araw bago ang baha, sila ay kumakain at umiinom, sila ay nag-aasawa at ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong39 at hindi nila ito nalaman hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.40 Sa oras na iyon ay dalawa ang nasa bukid, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan.41 Dalawang babae ang naggigiling sa gilingang-bato, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan.42 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung anong oras darating ang inyong Panginoon.43 Ngunit nalalaman ninyo ito, na kung nalaman ng may-ari ng sambahayan ang oras ng pagbabantay ng pagdating ng magnanakaw, siya sana ay nagbantay at hindi niya sana pinabayaang mapasok ang kaniyang bahay.44 Kaya maging handa rin kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.45 “Kung gayon, sino ang matapat at matalinong alipin na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan upang magbigay sa kanila ng pagkain sa takdang panahon?46 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay matatagpuang gumagawa nang gayon.47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya ay kaniyang pamamahalain sa lahat ng kaniyang mga tinatangkilik.48 Ngunit kapag sasabihin ng masamang aliping iyon sa kaniyang puso, ‘Ipinagpapaliban ng aking panginoon ang kaniyang pagdating,’49 at sisimulan niyang paluin ang kaniyang mga kapwa alipin, at kakain at iinom kasama ng mga manginginom,50 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya nalalaman.51 At siya ay hahatiin at ang kaniyang bahagi ay itatalaga kasama ng mga mapagpaimbabaw. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin. Matthew 251 “Kaya ang paghahari ng langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang birhen. Nang nakuha nila ang kanilang mga ilawan, sila ay lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal.2 Ang lima sa kanila ay matatalino at ang lima ay mga mangmang.3 Nang nakuha ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, sila ay hindi nagdala ng kanilang langis.4 Ngunit ang matatalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng kanilang mga ilawan.5 Habang nagtatagal ang lalaking ikakasal, silang lahat ay inantok at nakatulog.6 “Ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagkaroon ng sigaw, ‘Narito, ang lalaking ikakasal ay dumarating! Lumabas kayo upang salubungin siya.’7 Kaya bumangon ang lahat ng mga dalagang birheng iyon at inayos ang kanilang mga ilawan.8 At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat namamatay na ang aming mga ilawan.’9 Ngunit ang matatalino ay sumagot na nagsasabi, ‘Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat para sa inyo at sa amin. Kaya pumunta na lang kayo sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong sarili.’10 Ngunit nang sila ay nakaalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating at silang mga nakahanda ay pumasok na kasama niya sa piging ng kasalan at isinara ang pinto.11 “At pagkatapos ay dumating din ang ibang mga dalagang birhen na nagsasabi, ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.’12 Ngunit sumagot siya at sinabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.’13 “Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw, ni ang oras kung kailan darating ang Anak ng Tao.14 “Ito ay katulad din ng isang lalaki na yamang siya ay naglalakbay patungo sa malayong lugar, tinawag niya ang kaniyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian.15 Ibinigay niya sa isa ang limang talento°, at sa isa ay dalawang talento at sa isa ay isang talento ayon sa kakayahan ng bawat isa. At kaagad siyang naglakbay patungo sa malayong lugar.16 Siya na tumanggap ng limang talento ay umalis at ikinalakal niya ang mga ito at tumubo ng lima pang talento.17 Gayundin yaong may dalawa, siya rin ay tumubo ng dalawa pa.18 Ngunit siya na tumanggap ng isa ay umalis at naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon.19 At pagkatapos ng mahabang panahon, ang panginoon ng mga aliping iyon ay dumating at sila ay nagbigay-sulit sa kaniya.20 “At nang lumapit yaong nakatanggap ng limang talento, dinala niya ang lima pang talento, na sinasabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, ako ay tumubo ng lima pang talento.’21 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, ‘Mahusay, aliping mabuti at matapat! Ikaw ay naging matapat sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.’22 At lumapit din yaong tumanggap ng dalawang talento, na sinasabi, ‘Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento. Narito, ako ay tumubo ng dalawa pang talento.’23 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, ‘Mahusay, aliping mabuti at matapat! Ikaw ay naging matapat sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.’24 “At lumapit din yaong tumanggap ng isang talento at sinabi, ‘Panginoon, alam ko na ikaw ay isang malupit na tao na umaani sa hindi mo inihasik at nag-iipon sa hindi mo ikinalat.25 At dahil sa takot, ako ay umalis at itinago sa lupa ang iyong talento. Narito, kunin mo ang sa iyo.’26 “Ngunit sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, ‘Aliping masama at tamad! Alam mo na ako ay umaani sa hindi ko hinasikan at nag-iipon sa hindi ko kinalatan.27 Dapat nga ay dinala mo ang aking salapi sa mga mamamalit-salapi at sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang anumang sa akin na may tubo.28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung talento.29 “ ‘Sapagkat ang bawat isang nagtataglay ay mabibigyan at siya ay mananagana. Ngunit siya na hindi nagtataglay, maging ang kaniyang tinataglay ay kukunin mula sa kaniya.30 At ang walang pakinabang na alipin ay itapon ninyo sa kadiliman na nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.’31 “At kapag ang Anak ng Tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian at ang lahat ng mga banal na anghel ay kasama niya, sa panahong iyon siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian.32 At titipunin ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan at ihihiwalay niya sila sa isa't isa katulad ng pastol na inihihiwalay ang mga tupa mula sa mga kambing.33 At ilalagay nga niya ang mga tupa sa kaniyang bahaging kanan, ngunit ang mga kambing ay sa bahaging kaliwa.34 Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa kanila na nasa kaniyang bahaging kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo mula pa sa pagkatatag ng sanlibutan35 sapagkat ako ay nagutom ngunit binigyan ninyo ako ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit binigyan ninyo ako ng maiinom. Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay inyong pinatuloy.36 Ako ay naging hubad ngunit ako ay dinamtan ninyo. Ako ay nagkasakit ngunit ako ay inyong dinalaw. Ako ay nabilanggo ngunit ako ay inyong pinuntahan.’37 “Sa oras na iyon ay sasagot ang mga matuwid sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain ka namin, o nauuhaw at binigyan ka namin ng maiinom?38 At kailan ka namin nakitang naging dayuhan at pinatuloy ka namin, o naging hubad at dinamitan ka namin?39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at kami ay pumunta sa iyo?’40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’41 “Pagkatapos ay sasabihin din niya sa kanila na nasa bahaging kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa patungo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel42 sapagkat ako ay nagutom ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng maiinom.43 Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay hindi ninyo pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit ako ay hindi ninyo dinamtan. Ako ay nagkasakit at nabilanggo ngunit ako ay hindi ninyo dinalaw.’44 “Sa oras na iyon ay sasagot din sila sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging dayuhan, o naging hubad, o nagkasakit, o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?’45 Kaya siya ay sasagot sa kanila na sinasabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, ito ay hindi ninyo ginawa sa akin.’46 At ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay patungo sa buhay na walang hanggan.” | |








