Kirjeitä vankilasta
| Secondary Keywords | bilangguan kasaysayan pagsulat pahimakas pangkalahatan Paul titik Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Thessalonians 3 2 Timothy 3 Colossians 4 |
2 Thessalonians 31 Sa katapus-tapusan, mga kapatid, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na maipalaganap at maluwalhati kung paano rin ito niluwalhati sa inyo,2 at upang kami ay mailigtas mula sa mga taong liko at masama sapagkat hindi lahat ng mga tao ay mayroong pananampalataya.3 Ngunit matapat ang Panginoon na siyang magpapatatag sa inyo at mag-iingat sa inyo mula sa masama.4 At kami ay nagtiwala sa Panginoon patungkol sa inyo na ang aming iniutos sa inyo ay ginagawa naman ninyo at gagawin din ninyo.5 At ang Panginoon nawa ang magpatnubay sa inyong mga puso patungo sa pag-ibig ng Diyos at sa pagtitiis para kay Cristo.6 Ngayon, mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kayo ay humiwalay sa bawat kapatid na namumuhay nang wala sa kaayusan at hindi ayon sa katuruan na tinanggap niya mula sa amin,7 sapagkat kayo mismo ang nakaalam kung paano ninyo kami dapat tularan dahil hindi kami namuhay nang wala sa kaayusan sa kalagitnaan ninyo.8 Hindi rin kami kumain ng tinapay ng sinuman na walang bayad, kundi sa pagpapagal at pagpapagod sa gabi at sa araw ay gumagawa kami upang hindi kami maging pasanin sa sinuman sa inyo,9 hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang maibigay naming huwaran ang aming sarili sa inyo nang sa gayon ay tularan ninyo kami.10 Dahil kahit nang kasama ninyo kami ay iniutos namin sa inyo na kung ang sinuman ay hindi nagnanais na magtrabaho, huwag din siyang kumain11 sapagkat ibinalita sa amin na ang ilan sa inyo ay namumuhay nang wala sa kaayusan, na hindi man lang gumagawa, sa halip ay mga mapanghimasok.12 Ngunit sa mga katulad nila ay aming iniuutos at isinasamo sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sila ay gumawa nang tahimik upang sila ay makakain ng sarili nilang pagkain.13 Subalit kayo, mga kapatid, huwag manghina ang inyong loob sa paggawa ng mabuti.14 At kung ang sinuman ay hindi sumusunod sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, tandaan ninyo ang taong iyon at huwag kayong makihalubilo sa kaniya upang siya ay mapahiya.15 Gayunpaman, siya ay huwag ninyong ituring na kaaway, sa halip ay pagpayuhan ninyo siya bilang kapatid.16 Ngayon, ang Panginoon mismo ng kapayapaan ang magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng panahon sa bawat paraan. Ang Panginoon ay sumainyong lahat.17 Ako si Pablo, ito ang pagbati ko sa pamamagitan ng aking kamay na siyang lagda sa bawat sulat ko. Ganito ako nagsusulat.18 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong lahat. Siya nawa. 2 Timothy 31 Ngunit alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga mapanganib na panahon2 sapagkat ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mayabang, mga mapagmalaki, mga mapaglapastangan, mga masuwayin sa mga magulang, mga hindi mapagpasalamat, mga walang kabanalan,3 mga walang likas na pag-ibig, mga hindi tumutupad sa kasunduan, mga mapanirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga malupit, mga namumuhi sa mabuti,4 mga taksil, mga matigas ang ulo, mga mapagmataas at mga maibigin sa kalayawan sa halip na mga maibigin sa Diyos.5 Sila ay mayroong anyo ng pagiging makadiyos ngunit ipinagkakaila nila ang kapangyarihan nito. Tanggihan mo rin ang mga taong ito6 sapagkat nagmumula sa kanila ang mga taong pumapasok nang hindi namamalayan sa mga bahay at binibihag ang mga babaing hangal na maraming pinapasan na kasalanan at inililigaw sa iba't ibang uri ng pagnanasa.7 Sila ay palaging nag-aaral ngunit kailanman ay hindi nakaabot sa lubos na pagkaunawa ng katotohanan.8 At sa kaparaanang sinalungat ni Janes at ni Jambres si Moises ay sa gayunding paraan sumasalungat ang mga taong ito sa katotohanan, mga lalaki na ang pag-iisip ay nabulok na at mga walang karapatan sa pananampalataya.9 Ngunit sila ay hindi na magpapatuloy pa sapagkat ang kahangalan nila ay mahahayag sa lahat ng mga tao kung paano rin yaong nangyari sa kanila.10 Subalit buong ingat kang sumunod sa aking pagtuturo, sa pamumuhay, sa layunin, sa pananampalataya, sa pagtitiyaga, sa pag-ibig, sa pagtitiis,11 sa mga pagmamalupit at sa mga paghihirap na naranasan ko sa Antioquia, sa Iconio at sa Listra. Ang ganitong mga pagmamalupit ay aking binata ngunit mula sa lahat ng mga ito ay iniligtas ako ng Panginoon.12 Kaya ang lahat din na nagnanais mamuhay nang makadiyos para kay Cristo Jesus ay pagmamalupitan.13 Ngunit ang mga taong masama at mga mapanlinlang ay lalo pang pasama nang pasama, sila ay nandaraya at nadadaya.14 Ngunit manatili ka sa mga bagay na natutunan mo na at natiyak mo na, yamang alam mo kung kanino mo ito natutunan,15 at yamang mula nang ikaw ay bata pa ay alam mo na ang Banal na Kasulatan ay nakakapagbigay ng karunungan sa iyo patungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran17 upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, lubos na naihanda sa bawat mabuting gawa. Colossians 41 Mga panginoon, ibigay ninyo sa inyong mga alipin kung ano ang makatarungan at kung ano ang nararapat, yamang nalalaman ninyo na kayo ay mayroon ding Panginoon sa langit.2 Maging masigasig kayo sa pananalangin na binabantayan ito na may pagpapasalamat.3 Sa ganitong pagkakataon ay ipanalangin din ninyo kami na magbukas ang Diyos ng pinto sa amin para sa salita upang ipahayag ang hiwaga ni Cristo, ito rin ang dahilan na ako ay ibinilanggo4 upang maipahayag ko ito kagaya ng nararapat kong sabihin.5 Lumakad kayong may karunungan sa kanila na mga nasa labas at samantalahin ninyo ang panahon.6 Ang inyong pananalita ay dapat palaging may biyaya, may lasang asin upang malaman ninyo kung paano kayo nararapat sumagot sa bawat isa.7 Si Tiquico, ang minamahal na kapatid at ang tapat na tagapaglingkod at kapwa alipin sa Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng patungkol sa akin.8 Siya ang aking isinugo sa inyo para sa gayunding layunin upang malaman niya ang patungkol sa inyo at pasiglahin niya ang inyong mga puso.9 Kasama niya si Onesimo, ang tapat at minamahal na kapatid na nanggaling sa inyo. Ibabalita nila sa inyo ang lahat ng mga nangyayari rito.10 Binabati kayo ni Aristarco na kapwa ko bilanggo, at ng pinsan ni Bernabe na si Marcos (patungkol sa kaniya ay tumanggap kayo ng mga tagubilin, kung siya ay darating, tanggapin ninyo siya),11 at ni Jesus na tinatawag na Justo, na nasa mga pagtutuli. Sila lamang ang mga kamanggagawa ko sa paghahari ng Diyos, na naging kaaliwan sa akin.12 Binabati kayo ni Epafras na galing sa inyo. Siya ay alipin ni Cristo na palaging nagsisikap sa panalangin alang-alang sa inyo upang kayo ay makapanindigang ganap at maging puspos sa lahat ng kalooban ng Diyos.13 Sapagkat ako ay nagpapatotoo para sa kaniya na siya ay may kasigasigan para sa inyo at sa kanila na mga taga-Laodicea at sa kanila na mga taga-Hierapolis.14 Binabati kayo ni Lucas na minamahal na manggagamot, at ni Demas.15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, gayundin si Nimfa at ang iglesiya na nagtitipon sa kaniyang bahay.16 At kapag ang sulat na ito ay mabasa sa inyo, ipabasa rin ninyo ito sa iglesiya sa Laodicea, upang mabasa rin ninyo ang sulat na galing sa Laodicea.17 Sabihin ninyo kay Arquipo, “Pag-ingatan mo ang paglilingkod na tinanggap mo sa Panginoon upang ito ay iyong magampanan.”18 Si Pablo, sulat-kamay ko ang pagbating ito. Alalahanin ninyo ang aking mga pagkatanikala. Ang biyaya ay sumainyo. Siya nawa. | |








