Vapaus
| Secondary Keywords | Amerika guhitan kalayaan nagkakaisa rebulto Vapautta vapautta |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 13:1-18 |
Revelation 131 At ako ay nakatayo sa buhangin ng dagat at nakita ko na umaahon mula sa dagat ang isang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay at sa mga sungay nito ay may sampung putong at sa mga ulo nito ay may pangalan ng paglapastangan.2 At ang mabangis na hayop na aking nakita ay katulad sa isang leopardo at ang mga paa nito ay katulad ng sa oso at ang bibig nito ay katulad ng bibig ng leon. At ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang luklukan at dakilang kapamahalaan.3 At nakita ko ang isa sa mga ulo nito na parang kinatay para mamatay at ang kaniyang nakakamatay na sugat ay gumaling. At ang buong daigdig ay namangha at sumunod sa mabangis na hayop,4 at kanilang sinamba ang dragon na siyang nagbigay ng kapamahalaan sa mabangis na hayop at kanilang sinamba ang mabangis na hayop, na sinasabi, “Sino ang katulad ng mabangis na hayop? Sino ang may kakayahan upang makipaglaban sa kaniya?”5 At siya ay binigyan ng isang bibig na nagsasalita ng dakilang mga bagay at mga paglapastangan at siya ay binigyan ng kapamahalaan upang gumawa nang apatnapu't dalawang buwan.6 At binuksan niya ang kaniyang bibig sa paglapastangan laban sa Diyos upang lapastanganin ang pangalan ng Diyos at ang kaniyang tabernakulo at yaong mga nananahan sa langit.7 At siya ay pinagkalooban na magsagawa ng digmaan sa mga banal at upang sila ay lupigin, at siya ay pinagkalooban ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa.8 At ang lahat niyaong mga naninirahan sa daigdig ay sasamba sa kaniya, sila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na siyang pinatay mula sa pagkatatag ng sanlibutan.9 Kung ang sinuman ay may pandinig, hayaan siyang makinig.10 Kung ang sinuman ay nakikipagtipon para sa pagkabihag, siya ay patutungo sa pagkabihag. Kung ang sinuman ay papatay sa pamamagitan ng tabak, siya ay dapat mamatay sa pamamagitan ng tabak. Naririto ang pagtitiis at pananampalataya ng mga banal.11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa, at ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero, ngunit ito ay nagsasalita katulad ng isang dragon.12 At ang lahat ng kapamahalaan ng unang mabangis na hayop ay ginagamit niya sa harapan nito, at ginagawa niya na ang daigdig at yaong mga naninirahan dito, na kanilang sambahin ang unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay napagaling.13 At ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa ng mga dakilang tanda upang magawa niyang magpababa rin ng apoy mula sa langit patungo sa lupa sa harapan ng mga tao.14 At dinadaya niya yaong mga naninirahan sa daigdig sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng mabangis na hayop sa pagsasabi sa kanila na naninirahan sa daigdig na sila ay gagawa ng larawan ng mabangis na hayop na mayroong sugat ng tabak ngunit nabuhay.15 At pinagkalooban ito na magbigay ng buhay sa larawan ng mabangis na hayop upang magsalita rin ang larawan ng mabangis na hayop at gagawin niya na ang sinumang hindi sasamba sa larawan ng mabangis na hayop ay papatayin.16 At ginagawa niya ang lahat, ang mga hindi dakila at mga dakila, ang mayayaman at ang mga dukha, ang mga malaya at ang mga alipin na sila ay mabigyan niya ng tatak sa kanilang kanang kamay o sa kanilang mga noo17 at nang sa gayon, ang sinuman ay hindi makakabili o makakapagbili kung hindi niya tinataglay ang tatak o ang pangalan ng mabangis na hayop o ang bilang ng pangalan nito.18 Narito ang karunungan. Siya na may pang-unawa, bilangin niya ang bilang ng mabangis na hayop sapagkat ito ay bilang ng isang tao at ang bilang niya ay anim na raan at animnapu't anim. | |








