4 At narinig ko ang isa pang tinig mula sa langit, na sinasabi, “Aking bayan, lumabas kayo mula sa kaniya upang hindi kayo makibahagi sa kaniyang mga kasalanan at upang wala kayong matanggap mula sa kaniyang mga salot,5 sapagkat ang kaniyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong hanggang sa langit at ang kaniyang mga kasamaan ay inalala ng Diyos.