Pieni timoteus
| Secondary Keywords | kasaysayan pagkabata pahimakas pangkalahatan Pieni pieni Timothy Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Timothy 11 Si Pablo, na apostol ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos ayon sa pangako ng buhay na na kay Cristo Jesus, 2 kay Timoteo, na aking minamahal na anak, sumaiyo ang biyaya, ang kahabagan at ang kapayapaan mula sa Diyos Ama at ating Panginoong Jesu-Cristo. 3 Ako ay nagpapasalamat sa Diyos, na aking pinaglilingkuran mula sa aking mga ninuno na may malinis na budhi, habang ako ay nagpapatuloy sa pag-alaala sa iyo sa aking mga pananalanging may paghiling sa gabi at araw. 4 Dahil sa pag-aalala ko ng iyong mga luha, ako ay labis na nananabik na ikaw ay makita upang malubos ang aking kagalakan. 5 Naaalala ko ang matapat mong pananampalataya na unang nanahan sa iyong lola na si Loida at sa iyong ina na si Eunice at ako ay nakatitiyak na ito naman ay na sa iyo. 6 Dahil dito ay ipinaaalala ko sa iyo na pagningasin mo ang kaloob ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpatong ng aking mga kamay, 7 sapagkat ang Diyos ay hindi nagbigay sa atin ng espiritu ng pagkatakot kundi ng espiritu ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng maayos na pag-iisip. 8 Kaya huwag mong ikahiya ang patotoo ng ating Panginoon, ni ang aking patotoo na kaniyang bilanggo kundi makibahagi ka sa paghihirap dahil sa ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Diyos 9 na siyang nagligtas at tumawag sa atin sa banal na pagkatawag, hindi ayon sa ating mga gawa kundi ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus bago ang mga kapanahunan ng walang hanggan 10 ngunit ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, na siyang totoong nagpawalang-bisa sa kamatayan at nagbigay ng liwanag sa buhay at ng kawalan ng kabulukan sa pamamagitan ng ebanghelyo, 11 kung saan ako ay itinalaga na tagapangaral at apostol at guro ng mga Gentil. 12 Dahil din dito, ako ay dumaranas ng hirap sa mga bagay na ito, ngunit hindi ako nahihiya sapagkat kilala ko na yaong aking sinasampalatayanan at ako ay nakatiyak na na kaya niyang ingatan ang inilagak ko sa kaniya hanggang sa Araw na iyon. 13 Gawin mong huwaran ang wastong mga salita na iyong narinig mula sa akin, sa pananampalataya at sa pag-ibig na na kay Cristo Jesus. 14 Ingatan mo ang mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na nananahan sa atin. 15 Ito ay alam mo na silang lahat na taga-Asya, kabilang sina Figello at Hermogenes, ay tumalikod sa akin. 16 Ang Panginoon nawa ay mahabag sa sambahayan ni Onesiforo sapagkat maraming ulit niya akong pinasigla at hindi niya ikinahiya ang aking pagkatanikala. 17 At nang siya ay nasa Roma, pinagsikapan niya akong hanapin at ako ay natagpuan niya. 18 Ang Panginoon nawa ang magkaloob sa kaniya upang masumpungan niya ang kahabagang mula sa Panginoon sa Araw na iyon. At kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa akin sa Efeso, ikaw ang higit na nakakaalam. 2 Timothy 31 Ngunit alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga mapanganib na panahon 2 sapagkat ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mayabang, mga mapagmalaki, mga mapaglapastangan, mga masuwayin sa mga magulang, mga hindi mapagpasalamat, mga walang kabanalan, 3 mga walang likas na pag-ibig, mga hindi tumutupad sa kasunduan, mga mapanirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga malupit, mga namumuhi sa mabuti, 4 mga taksil, mga matigas ang ulo, mga mapagmataas at mga maibigin sa kalayawan sa halip na mga maibigin sa Diyos. 5 Sila ay mayroong anyo ng pagiging makadiyos ngunit ipinagkakaila nila ang kapangyarihan nito. Tanggihan mo rin ang mga taong ito 6 sapagkat nagmumula sa kanila ang mga taong pumapasok nang hindi namamalayan sa mga bahay at binibihag ang mga babaing hangal na maraming pinapasan na kasalanan at inililigaw sa iba't ibang uri ng pagnanasa. 7 Sila ay palaging nag-aaral ngunit kailanman ay hindi nakaabot sa lubos na pagkaunawa ng katotohanan. 8 At sa kaparaanang sinalungat ni Janes at ni Jambres si Moises ay sa gayunding paraan sumasalungat ang mga taong ito sa katotohanan, mga lalaki na ang pag-iisip ay nabulok na at mga walang karapatan sa pananampalataya. 9 Ngunit sila ay hindi na magpapatuloy pa sapagkat ang kahangalan nila ay mahahayag sa lahat ng mga tao kung paano rin yaong nangyari sa kanila. 10 Subalit buong ingat kang sumunod sa aking pagtuturo, sa pamumuhay, sa layunin, sa pananampalataya, sa pagtitiyaga, sa pag-ibig, sa pagtitiis, 11 sa mga pagmamalupit at sa mga paghihirap na naranasan ko sa Antioquia, sa Iconio at sa Listra. Ang ganitong mga pagmamalupit ay aking binata ngunit mula sa lahat ng mga ito ay iniligtas ako ng Panginoon. 12 Kaya ang lahat din na nagnanais mamuhay nang makadiyos para kay Cristo Jesus ay pagmamalupitan. 13 Ngunit ang mga taong masama at mga mapanlinlang ay lalo pang pasama nang pasama, sila ay nandaraya at nadadaya. 14 Ngunit manatili ka sa mga bagay na natutunan mo na at natiyak mo na, yamang alam mo kung kanino mo ito natutunan, 15 at yamang mula nang ikaw ay bata pa ay alam mo na ang Banal na Kasulatan ay nakakapagbigay ng karunungan sa iyo patungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran 17 upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, lubos na naihanda sa bawat mabuting gawa. |








