Herran ehtoollinen
| Secondary Keywords | alak buhay hapunan Jeesus Jeesus kababaang-loob katawan paa washing pagtatalamitam Panginoon tinapay walang latoy |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Corinthians 10:16-17 1 Corinthians 11:23-27 1 John 1:3-7 2 Corinthians 13:14 Juan 6:53-58 Marcos 14:22-25 Matthew 26:26-29 |
1 Corinthians 1016 Ang saro ng pagpapala na aming pinagpala, hindi ba ito ang pakikipag-isa sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na aming pinagputul-putol, hindi nga ba ito ang pakikipag-isa sa katawan ni Cristo?17 Sapagkat tayo, yamang marami, ay isang tinapay at isang katawan dahil ang lahat ay nakikibahagi mula sa isang tinapay. 1 Corinthians 1123 Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinigay sa inyo. Dahil ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay,24 at nang siya ay nakapagpasalamat, ito ay kaniyang pinagputul-putol, at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol alang-alang sa inyo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin.”25 At sa gayunding paraan kinuha niya ang saro, pagkatapos makapaghapunan, na sinasabi, “Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin tuwing kayo ay iinom nito.”26 Sapagkat tuwing kayo ay kakain ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya ay dumating.27 Kung kaya ang sinumang kakain ng tinapay na ito at iinom sa saro ng Panginoon na hindi karapat-dapat ay magiging may sala sa katawan at dugo ng Panginoon. 1 John 13 Siya na aming nakita at aming narinig ay isinasalaysay namin sa inyo upang kayo rin ay magkaroon ng pakikipag-isa sa amin. Tunay na ang aming pakikipag-isa ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo.4 Isinusulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang malubos na ang inyong kagalakan.5 Ito ang pahayag na narinig namin sa kaniya at ipinahahayag namin sa inyo, na ang Diyos ay liwanag at sa kaniya ay walang anumang kadiliman.6 Kapag sinabi natin na may pakikipag-isa tayo sa kaniya ngunit tayo ay naglalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi natin ginagawa ang katotohanan.7 Ngunit kung naglalakad tayo sa liwanag, katulad niya na nasa liwanag, may pakikipag-isa tayo sa isa't isa at ang dugo ni Jesu-Cristo na kaniyang anak ang naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan. 2 Corinthians 1314 Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ang sumainyong lahat. Siya nawa! John 653 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na makakain kayo ng laman ng Anak ng Tao at makainom ng kaniyang dugo, wala kayong buhay sa inyong mga sarili.54 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay mayroong buhay na walang hanggan at ibabangon ko siya sa huling araw55 sapagkat ang aking laman ay totoong pagkain at ang aking dugo ay totoong inumin.56 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako sa kaniya.57 Kung paanong ako ay isinugo ng buhay na Ama at ako ay nabubuhay dahil sa Ama, sa gayunding paraan, siya na kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.58 Ang tinapay na ito na bumaba mula sa langit ay hindi katulad ng manna na kinain ng inyong mga ninuno at namatay. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” Mark 1422 Habang sila ay kumakain, si Jesus ay kumuha ng tinapay, at nang siya ay nakapagpasalamat, pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo. Kainin ninyo. Ito ay aking katawan.”23 At pagkatapos ay kinuha niya ang saro, at nang siya ay nakapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila at lahat sila ay uminom mula sa saro.24 At sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng bagong tipan na ibinuhos para sa marami.25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kailanman ay hindi na ako iinom mula sa bunga ng ubas hanggang sa araw na iyon na kung kailan ay maiinom ko ang bago nito sa kaharian ng Diyos.” Matthew 2626 At habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala niya ito at pinagputul-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin ninyo, ito ang aking katawan.”27 At kinuha niya ang saro at nagpasalamat at ibinigay niya ito sa kanila na sinasabi, “Uminom kayong lahat28 sapagkat ito ang aking dugo ng bagong tipan na nabubuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na hinding-hindi ako iinom ng katas ng ubas na ito mula ngayon hanggang sa araw na mainom ko itong panibago na kasama kayo sa kaharian ng aking Ama.” | |








